^

Dr. Love

Lasenggo at babaero na, umbagero pa

-

Dear Dr. Love,

Bayaan mong ipakilala ko muna ang aking sarili. Ako po  si Rita, 40-anyos, may asa­wa at tat­long anak. Problema ko ang asawa kong babaero at lasenggo. Masyado na akong nagpa­ka­martir sa kanya.

Ang masama pa, kapag sobra siyang la­sing,  inuumbag niya ako pagdating ng ba­hay. Five years ago,  hindi naman siya gan­yan.

Nagsimula ito magmula lang nang duma­ting sa aming lugar ang isang kapitbahay na naging kabarkada. Lagi silang gumigimik ka­pag araw ng suweldo. Natutong mamba­bae at maglasing ang asawa ko.

Minsang ginulpi niya ako, nagkaroon ako ng blackeye. Lumayas ako at umuwi sa aming probinsiya sa Bulacan kasama ang aking mga anak.

Pati mga anak ko ay sagad na rin sa kan­ya at ayaw nang umuwi. Isang buwan na akong naglayas pero hangga ngayo’y hindi ako sinusundo. Hindi na kaya niya ako mahal?

Pagpayuhan mo ako,  Dr. Love.

Rita

 

Dear Rita,

Kung ako ikaw, magsasaya ako dahil hindi na ako sinundo ng isang asawang brutal.

Nagtataka ako sa iyo. Ginugulpi ka na nga ng asawa mo at kinakaliwa ay naghihintay ka pa ng sundo? Ipagdasal mo na lang na sana ay magbago ang kanyang masamang ugali.

Samantala, magsumikap ka na lang muna na maitaguyod ang iyong tatlong anak. Kayang-kaya mong mabuhay nang wala ang iyong asawa. Mabuti ang may katuwang sa buhay pero kung kagaya lang siya ng iyong mister, huwag na lang.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DEAR RITA

DR. LOVE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with