Ipinagbili ang sarili
Dear Dr. Love,
Bayaan mo munang batiin kita at lahat ng mga sumusubaybay sa malaganap mong kolum. Tawagin mo na lang akong Ismael, 41-anyos at may asawa.
May sakit na kanser sa matris ang misis ko at bawal na sa kanya ang makipagtalik. Tinaningan na siya ng duktor ng anim na buwan hanggang isang taon. Sumasailalim siya ngayon sa chemotherapy.
Ako’y isa lamang ordinaryong empleyado at hindi sapat ang kinikita ko para sa pagpapagamot niya.
May dalawa pa kaming anak na pinapag-aral sa college. Mahirap talaga ang problema ko.
May babaeng tumutulong sa akin. Tawagin mo na lang siyang Leny, 38 years-old at isang biyudang negosyante. May gusto sa akin ang babaeng ito at ang nais niya ay magkaroon kami ng relasyon. Kaya pinagbigyan ko siya. Siya ang gumagastos sa pagpapagamot ng asawa ko.
Pero nagi-guilty ako dahil para kong ibinenta ang aking sarili. Ngunit kung hindi ko ito gagawin, paano ang misis ko?
Tulungan mo ako, Dr. Love.
Ismael
Dear Ismael,
Talagang
Subukan mong kausapin si Leny at ipaliwanag mong kasalanan sa Diyos ang inyong ginagawa. Sabihin mong magturingan na lang kayong espesyal na magkaibigan kung talagang gusto ka niyang tulungan.
Marahil ay mauunawaan ka niya lalo pa’t wala ka namang ibang malalapitan para hingan ng tulong.
Mabigat sa dibdib ang ginagawa mo. May nakamamatay na karamdaman ang asawa mo, tapos pinagtataksilan mo pa siya. Manalangin ka sa Panginoon at humingi ng direksyon.
Dr. Love
- Latest
- Trending