Madrasta
February 9, 2007 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Sumulat ako sa iyo dahil sa isang serious family problem. Tawagin mo na lang akong Margie. Isang biyudo ang aking ama at ngayo’y may kinakasamang babae. Kinunsinti na namin siya na makipag-live-in sa babaeng iyon pero ang ayaw namin ay ang balak niyang pagpapakasal dito.
Tutol kaming magkakapatid sa gusto ng aking ama. Mayaman kami at ang kayamanang ito’y pundar ng aking namayapang ina. Baka kasi kayamanan lamang ang habol ng babaeng ito. Hindi ba unfair na ang pinaghirapan ng aking ina ay pagpasasaan ng ibang babae? Isa pa, mahal namin ang aming ina. Kahit wala na siya, parang we feel that she is being cheated kung magpapakasal sa iba ang aming ama.
Pumayag kami sa live-in dahil at least, walang habol ang babae sa aming kayamanan. Akala namin ay makukuntento na ang aming ama sa aming pagpayag. Na-shock kaming lahat nang magpaalam siya na pakakasalan niya ang babaeng iyon.
Paano namin mapipigil ang kanyang pagpapakasal? Balak naming maglayas na magkakapatid kung itutuloy niya ito. Please help me.
Margie
Dear Margie,
Ang pagtutol ninyo na mag-asawa muli ang inyong ama dahil sa kayamanan ay karamutan. Tiyak ko na yumao man ang inyong ama, hindi rin naman mawawala ang inyong parte bagamat maaaring mabawasan lang dahil sa inyong madrasta. Kahit ito’y pundar ng inyong yumaong ina, wala na siya at hindi na niya kailangan ang kanyang salapi.
It will probably be good kung manatiling single ang inyong biyudong ama. Pero ang sabi sa Bible, kung hindi mapigilan ang natural na nasa ng isang tao, mas makabubuting mag-asawa siya instead of burning with lust. It doesn’t matter kung may edad na ang inyong ama. The point is may pangangailangan siyang dapat matugunan. It is not necessarily sex. It may be simply companionship.
Maibibigay ba ninyong magkakapatid ang lahat ng pangangailangan ng inyong ama? I’m sure hindi. Iba ang pagmamahal ng asawa sa pagmamahal ng anak.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended