^

Dr. Love

Dalawang kasintahan

-


Dear Dr. Love,


Itago mo na lang ako sa alyas na Mr. Confused. Sumulat ako sa iyo para humingi ng payo sa aking problema.

Hindi ako playboy pero ngayo’y dalawa ang kasintahan ko at pareho kong mahal. Akala ko noon, magkakasya ako sa isang girlfriend. Hindi ko inaasahang iibig ako sa ibang babae.

Isang taon ko ng kasintahan si Marie nang makilala ko si Adorna sa pagbabakasyon ko sa probinsya.

Umibig ako kay Adorna ngunit hindi nabawasan ang pag-ibig ko kay Marie.

Pakiramdam ko, ikalulungkot kong mawala ang sino man sa kanila. Kapwa sila mabait, marunong sa mga gawaing pambahay at uliran.

Pagbalik ko sa Maynila, hindi ko masasabi kay Marie na may iba akong kasintahan dahil alam kong ikagagalit niya yun.

Nakatakda na kaming ikasal ni Marie sa isang taon kaya naguguluhan ako. Ayokong makipag-break kahit kanino sa kanila.

Ano’ng gagawin ko?

Mr. Confused


Dear Mr. Confused,


Ikaw lang ang gumugulo sa sarili mo. Alam mong isa lang sa kanila ang puwede mong pakasalan at kung itutuloy mo ang relasyon sa isa kahit kasal ka na, ito’y kasalanan sa batas.

Pag-aralan mong mabuti ang ugali ng bawat isa. Timbangin mong mabuti ang iyong damdamin. Kung sino ang nakahihigit ay siya mong tuluyan.

Dr. Love

ADORNA

AKO

ALAM

ANO

AYOKONG

DR. LOVE

IKAW

ISANG

ITAGO

MR. CONFUSED

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with