Ang Kaharian ng Diyos
December 11, 2006 | 12:00am
Ang mga salitang ito ay dapat maintindihang mabuti ng bawat Filipino at maging ng lahat ng mga tao sa buong mundo dahil ito ang unang mensahe ng Panginoong Jesu-Cristo noong nandito pa Siya sa lupa. Ang sabi Niya: "Magsisi kayo sapagkat malapit na ang kaharian ng Diyos sa langit."
Ang Kaharian ng Langit ay unang pambungad ng Panginoong Jesu-Cristo sa Kanyang mensahe dahil ang lahat ng mga tao maliban sa mga nakakilala sa Kanya ay hindi napapaloob nito.
Ang unang mga ninuno ng tao kagaya nina Noah, Abraham, Isaac, Jacob, Moses, Joshua, David at iba pa ay kabilang sa kaharian ng langit o Diyos dahil sa kanilang pananalig sa Diyos at umaasa sila na ang Mesiah na walang iba kundi ang Panginoong Jesu-Cristo ang Siyang darating upang itaguyod ang Kaharian ng Diyos dito sa lupa at tubusin ang lahat ng mga tao sa kanilang mga kasalanan at pagkakasala.
Kapag sinasambit ang kaharian ng langit o Diyos, ang ibig sabihin nito ay ang paghahari ng Diyos sa lahat ng Kanyang nilikha kahit na sa lupa na pinamunuan ni Satanas kung saan nagkasala sina Adan at Eba. Pero muling kinuha ng Panginoong Jesu-Cristo ang pamumuno rito at Kanyang ibinigay sa Kanyang Iglesya o mga taong nagsisisi at tumatalikod sa kanilang mga kasalanan at pagkakasala at tinanggap si Jesu-Cristo bilang sarili nilang Panginoon, Diyos at Tagapagligtas.
Subalit hindi ito basta-basta ibinigay ni Satanas ang pamumuno sa sanlibutan kung kaya ipinagkaloob ng Panginoong Jesu-Cristo ang kapangyarihan, pamahalaan at pamunuan sa mga taong anak Niya upang paglabanan ang kapangyarihan ng kadiliman at mga gawaing masasama at nagpapahirap sa mga tao gaya ng sakit, karamdaman, kahirapan, pag-aaway-away at lahat ng mga kasuklam-suklam na gawain.
Ang kagalingan, katugunan, katagumpayan at kasaganaan ay resulta lamang ng personal na ugnayan ng tao sa Panginoong Jesu-Cristo.
Upang magtagumpay tayo sa buhay dito sa sanlibutan, kailangang mapabilang tayo sa Kaharian ng Diyos o langit.
(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998 at Mandaluyong, 533-5171.)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am