Nanalo ang MDG Pasay dahil sa Panginoong Jesus
November 6, 2006 | 12:00am
Kamakailan lamang, nakatanggap ng award ang Pasay City Cooperative Development Office (CDO) sa pagsugpo ng kahirapan sa naturang lungsod sa pamamagitan ng Millennium Development Goal (MDG).
Ang MDG ay iminumungkahi ng United Nations noong 2000 upang sugpuin ang lumalaganap na kahirapan sa buong mundo at itoy tinatangkilik ng mga kooperatiba at ibang mga organisasyon sa ibat ibang mga bansa kasama na ang Pilipinas.
Ayon kay Engr. Rolando Londonio, Pasay City Cooperative Officer, 10 local government units (LGUs) ang pinagkalooban ng award ng Galing Pook, United Nations Development Programme at United Nations Habitat noong Oktubre 16.
Itinatag ang MDG sa pamagitan ng pagsasanay sa mga potential ng pamilya upang mapaglabanan ang kahirapan.
Ito ay nanggaling sa mga itinuturo ng Family For Jesus (F4J) Ministry ng Christ, the Living Stone Fellowship ng Mandaluyong City. Ang ninanais ng F4J ay matupad ang pangitain ng Panginoon na ang strong family ay magresulta sa strong city at hahantong sa strong nation dahil ang pamilya ang siyang pangunahing unit ng lipunan.
Ang mga katuruan na ito ay nakabatay sa Biblia at ang Diyos ang Siyang nagtuturo nito upang ang pamilya ay maging malakas, maayos at masagana. Ito ang kalooban ng Panginoong Jesu-Cristo sa bawat pamilya sa buong mundo, sabi ni Londonio.
"Malaki rin ang aming pasasalamat sa Pasay City Government, United Nations Development Programme at United Nations Habitat dahil sa kanilang partisipasyon upang mapabuti namin ang aming kooperatiba dahil hindi namin matatanggap ang award na ito kung wala sila," dagdaag pa ni Londonio. Kung sino ang gustong gayahin ang ganitong katuruan, maaaring tumawag sa 551-5233 at 533-5171.
(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998 at Mandaluyong, 533-5171.)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended