^

Dr. Love

Inay, nasaan ka?

-
Dear Dr. Love,

Isang malugod na pagbati sa iyo at sa iba pang PSN staff.

Ibilang mo ako sa masusugid na tagasubaybay ng iyong pitak na Dr. Love na hindi maikakailang sikat na sikat na dahil ang iyong mga payo ay nakapagbibigay pag-asa sa sinumang lumiliham sa iyo na may idinudulog na problema.

Isa akong bilanggo at laking gulat ko nang makita ko ang staff ng PSN dito sa loob ng Muntinlupa noong inyong anibersaryo.

Naghahanap ako ng mga kaibigan sa panulat at sana ay mailathala ang aking maiksing kasaysayan sa iyong pitak at mapayuhan mo na rin sa nangyari sa aking buhay.

Allan ang aking pangalan, mula sa isang simpleng pamilya sa isang probinsiya sa Mindanao.

Maagang yumao ang aking ama dahil sa sakit. Nawalay ako sa aking ina nang siya ay lumuwas ng Maynila kasama ang aking mga kapatid at naiwan ako sa Mindanao.

Mula noon ay hindi man lang ako nakatanggap ni isang sulat mula sa aking ina.

Sa edad na 13, nakulong na ako sa salang drug abuse at napabilang ako sa mga juvinile delingquents ng Mindanao.

Naging sakit ako ng lipunan dahil sa kawalan ng nag-aaruga at nagmamahal. Galit ako sa aking sarili at galit ako sa mundo na aking nakagisnan.

Wala ang aking ina at mga kapatid. Nasaan na kaya sila?

Ngayon, 30-anyos na ako at hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung saan napadpad ang aking ina at mga kapatid.

Sabik ako sa kanilang kalinga at pagmamahal.

Dr. Love, tulungan mo po akong matagpuan ang aking ina at mga kapatid.

Nagbabago na ako, napalapit sa Diyos at umiwas na ako sa drugs at gulo.

Takot po akong magmahal dahil ayokong masaktan o mangyari sa aking magiging pamilya ang nangyari sa buhay ko.

Hanggang dito na lang po at nawa’y patnubayan ang column mo para tuluy-tuloy ang pagtatagumpay.

Allan Baja

Dorm 226 Bldg. 2,

MSC, Camp Sampaguita,

Muntinlupa City 1776


Dear Allan,


Salamat sa liham mo at sana, magbago na ang pagtingin mo sa lipunan at sa mundong iyong ginagalawan.

Huwag mong ituring na sawi ka sa kapalaran dahil sa kinasapitan mo. Natutuwa nga ang pitak na ito dahil sinabi mong natutuhan mo nang matagpuan ang Panginoon at iniwasan mo na ang masamang bisyo.

Ipagpatuloy mo pa ang pagpupunyagi para sa ganap mong rehabilitasyon at sana rin, sa pamamagitan ng pitak na ito, matagpuan mo ang Panginoon, iwasan nang tuluyan ang masamang bisyo at matagpuan mo ang hinahanap mong ina at mga kapatid.

Kahit ka nasa loob, sana’y maipagpatuloy mo ang pag-aaral at pagsisikap na mapaunlad ang sarili para kung makalaya ka na, hindi ka mahirapan sa paghahanap ng ikabubuhay.

Hangad ng pitak na ito ang kapayapaan ng iyong kalooban at kaligayahan sa kabila ng lahat.

Dr. Love

AKING

AKO

ALLAN BAJA

CAMP SAMPAGUITA

DEAR ALLAN

DR. LOVE

MINDANAO

MUNTINLUPA CITY

PANGINOON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with