^

Dr. Love

Waiting sa future husband

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sabi nila kapag inggit, pikit. Pero hindi ko magawa dahil pakiramdam ko napag-iwanan na ako ng panahon.

Ewan ko ba, pero nang magbuhos ng suwerte sa pag-ibig ang langit, lahat yata ay nasapo ng pinsan ko.

Akalain mo ba naman, may dyowa siyang guwapo na, super in love pa sa kanya. Saan ka pa makakahanap ng lalaki na talagang comitted at honest sa relasyon?

Ang mas nakakainggit, nag-propose na ang dyowa ni pinsan. Talaga namang kilig overload ang eksena.

Samantalang ako, lagi na lang napupunta sa maling lalaki. Talagang ang saklap lang isipin, dahil kung hindi adik, sadista o kaya naman ay cheater ang napupuntahan kong relasyon.

Madalas, napapatingala ako sa langit kasunod ang pabulong na pagtatanong, kung kailan kaya ako makakahanap ng matinong future husband? Hindi naman po ako nawawalan ng pag-asa, Dr. Love...atat lang.

Badette

 

Dear Badette,

Ramdam ko ang kalooban mo.

Pero lalo lamang bibigat ang desperasyon mong maka-hanap ng husband material kung ikukumpara mo ang iyong sarili sa iba.

Tandaan mo, ang bawat tao ay may kanya-kanyang takdang panahon sa pag-ibig.

Hindi masamang maghangad ng mabuti, basta tiyakin mo na hindi ka mawawalan ng pag-asa. Sa tamang oras, darating din ang taong para sa iyo, isang lalaki na tunay na magmamahal at rerespetuhin ka.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with