^

Dr. Love

Panawagan sa mga kamag-anakan ni Victor Sembrano

-
Dearest Dr. Love,

Isa pong mainit na pagbati mula sa likod ng mga rehas.

Nawa’y ang grasya, pagpapala at kapayapaan ay sumainyo sampu ng mga kasamahan ninyo sa PSN.

Ako nga po pala si Victor Cadabero Sembrano, isang seaman subalit sa kasamaang palad ay napadpad dito sa pook na ni sa aking pangarap at panaginip ay hindi ko inisip na siya kong magiging tahanan.

Laking Visayas po ako at tumira lang ako sa Mindanao dahil nandito ang pinaka-opisina ng kompanyang pinagtrabahuhan ko.

Sa kasalukuyan po ay nandito ako sa loob ng Davao Prisons and Penal Farm dahil sa mga sirkumstansiyang hindi naiwasan.

Lumiham po ako dahil nais kong matulungan ninyong maipabatid sa aking mga kamag-anak at kaibigan na narito ako sa kulungan.

Hindi po kasi nila alam na nasa loob na ako ng mga rehas na bakal.

Malungkot po dito sa loob lalo na kung walang dumadalaw.

Hanggang dito na lang po at nawa’y mailathala ninyo ang liham na ito.

More power and God bless you.

Gumagalang,
Victor Cadabero Sembrano

Maximum Security Compound,
D.P.P.F., Depacol,
Davao del Norte 8105


Dear Victor,


Salamat sa liham mo at sana, makaabot ang panawagang ito sa mga kamag-anak at kaibigan mo na hindi nakakabatid sa nangyari sa iyo.

Huwag mong kalimutang tumawag sa Maykapal sa gitna ng kawalang pag-asa. Hindi ka Niya pababayaan.

Tatagan ang loob mo at mawawala ang mga pangamba.

Samantala, pagbutihin mo ang rehabilitasyon at pagbabagong-buhay habang mataimtim na pinagsisisihan ang pangyayaring nagbunsod sa pagpasok mo sa kulungan.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DAVAO

DAVAO PRISONS AND PENAL FARM

DEAR VICTOR

DEPACOL

DR. LOVE

LAKING VISAYAS

MAXIMUM SECURITY COMPOUND

VICTOR CADABERO SEMBRANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with