Ayaw mag-asawa muli ang ina
September 2, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
A pleasant day to you and may the Lord keep you healthy and happy. Tawagin mo na lang akong Cherry, 20-years old at isang college student.
Tatlong taon nang patay ang aking ama. I loved my father so much at masasabi kong spoiled ako sa kanya nang siyay nabubuhay pa. He was also a very good provider. Isa siyang negosyante at lumago ang kabuhayan namin dahil sa kanyang pagsisikap. Kaya nang mamatay siya, parang gumuho ang aking daigdig. Nang mawala ang ama ko, ang ina ko ang nagpatuloy para lumago ang aming negosyong handicrafts.
Ang problema ko ngayon ay ang aking ina. Gusto niyang mag-asawang muli. Ibig niyang magpakasal sa dati niyang boyfriend. Masakit tanggapin para sa akin ito. Isa pa, nangangamba ako. Baka ang pinaghirapang kabuhayan ng aking ama ay pakinabangan lang ng lalaking kinahuhumalingan ng aking ina.
My mother confided to me na bago niya nakilala ang aking ama, boyfriend na niya ang lalaking iyon. Kaya lang ay dinaan daw siya sa dahas ng aking ama kaya napilitan siyang magpakasal dito.
Mahal na mahal ko ang aking yumaong ama kaya napakasakit ng sinabing ito sa akin ng aking ina. Alam kong wala akong karapatang pigilin siya sa kanyang gusto. Pero kung gagawin niya ito, ang balak koy maglayas. Tama ba ang gagawin kong ito?
Cherry
Dear Cherry,
Maling-mali ang binabalak mo. Kung mahal mo ang iyong ama, dapat mo ring mahalin ang iyong ina dahil siya ang nagdala sa iyo sa kanyang sinapupunan. Siya rin ang nag-aruga sa iyo hangga ngayon na yumao na ang iyong ama. Sabihin mang ama mo ang nagpundar ng maganda ninyong kabuhayan, ina mo naman ang nagpatuloy para hindi bumagsak ang inyong negosyo kahit wala na sa mundo ang iyong ama.
Kung mahal mo siya, bakit mo ipagkakait ang kanyang kaligayahan? Biyuda na ang iyong ina at naghahanap din siya ng init ng pag-ibig. Mas masama siguro kung magtatagpo lang sila ng lihim ng kanyang boyfriend. Unawain mo ang pangangailangan ng iyong ina at huwag mong hadlangan ang pita ng kanyang puso dahil iyan ay isang kasakiman sa iyong panig.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am