^

Dr. Love

Tubig ng langit

- Ni Danny Q. Junco -
Naaalala ko ang ginawa ng Diyos sa mga Hudyo sa kapanahunan ni Propetang Moises nang pangunahan niya ang kanyang mga kababayan patungo sa Canaan, ang lupang ipinangako ng Diyos na ipagkakaloob sa kanila.

Habang sila’y naglalakbay sa ilang, nauhaw sila pero wala naman silang pagkukunan ng tubig kundi sa pamamagitan lamang ng himala galing sa Diyos.

Ayon sa utos ng Diyos kay Moises, kanya lamang paluin ng kanyang tungkod ang bato o kaya ay pagsabihan lamang niya ito ay agad nang aagos ang tubig para may mainom sila at mawala ang pagkauhaw.

Ganito rin ang ginawa ng Panginoon sa amin. Nakabili kasi ang aming iglesya, ang CLSF (Christ, the Living Stone Fellowship) ng siyam na ektaryang lupain sa San Miguel, Bulacan. Ang problema lang ay walang tubig sa nasabing lugar. Sinabi ito sa amin ni Mang Fermin, ang namumuno roon, at ang sabi pa nga niya ay ipapuputol niya ang kanyang mga darili kapag may nahukay kaming tubig.

Dahil ang tiwala namin ay sa Panginoong Jesu-Cristo na buhay at makapangyarihan na Diyos, amin munang ipinag-pray ang nasabing lupa. Pinutol namin ang lahat ng sumpa kung mayroon man at kinalagan namin ang lahat ng pagpapala ng Diyos upang ito’y mapakinabangan ng mga naninirahan rito gayon din ang CLSF dahil gagawin itong camp site at farm.

Pagkatapos nito, pumunta si Kuya Dante Magbanua at mga tauhan niya para maghukay sila sa nasabing lupa upang makakuha ng tubig. Isang hukay pa lamamg ni Kuya Dante at kanyang mga kasamahan ay may umagos na tubig. Naglagay agad sila ng tubo para dito dadaan ang tubig na gagamitin ng CLSF at mga taong naninirahan roon.

Sa pangyayaring ito, si Mang Fermin mismo ang humingi ng tulong kay Kuya Dante at ang kanyang mga kasamahan na kung maaari ay tulungan silang makahukay ng tubig sa kasikbit na lupa ng CLSF.

Ganoon nga ang ginawa ni Kuya Dante at ang kanyang mga kasamahan. Nanalangin muna sila. Humingi sila ng kapatawaran sa mga kasalanan na nagawa ng mga taong naninirahan doon. Pinutol nila ang lahat ng sumpa at kinalagan ang pagpapala ng Diyos at nagkaroon din sila ng tubig.

Ang masasabi ko lang, kapag nagtiwala ang tao sa sarili niyang kakayahan, lakas, talino, kapangyarihan o anupaman, walang mangyayari talaga sa kanya. Magandang halimbawa rito si Mang Fermin.

Kung ang lahat nating gagawin ay itataas muna natin sa Panginoong Jesu-Cristo, hindi tayo mabibigo. Alam naman natin na sa Kanya ay walang mahirap gawin. Ang lahat ng bagay ay madali sa Kanya. Walang imposible sa Kanya. Purihin ang Panginoong Jesu-Cristo at pinagkalooban Niya kami ng tubig, ang Tubig ng Langit.

Kuya Mandy Sugpatan,

Mandaluyong City


(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)

DIYOS

KANYA

KUYA DANTE

KUYA DANTE MAGBANUA

KUYA MANDY SUGPATAN

MANG FERMIN

PANGINOONG JESU-CRISTO

SILA

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with