Nagtimpi na lang
Dear Dr. Love,
Umuwi ang biyenan ko galing sa America. Hindi ako naka-adjust dahil hindi ko alam kung ano ang masasabi niya sa lugar namin dito sa Tondo. Naka ilang araw lang siya nag-stay sa amin.
Hindi siya makatagal sa init at nasisikipan siya. Kaya hindi ko na siya pinigilan na mag-stay siya sa condo. Marami siyang komento sa sitwasyon naming mag-asawa at sa mga anak ko.
Nakakainis pero tinitiis ko para hindi siya magtampo sa amin ng asawa ko.
Alex
Dear Alex,
Tama ang ginagawa mo na magtimpi para hindi lumala ang hindi pagkakaunawaan sa inyong pamilya. Maaaring galing sa pagmamalasakit o concern ang mga sinasabi niya, kahit na minsan ay hindi ito lumalabas sa tamang paraan.
Subukang intindihin kung ano ang pinanggagalingan ng kanyang sinasabi.
Kung may hindi pagkakasundo, pag-usapan ninyo ito ng asawa mo nang pribado. Ang pagkakaroon ng united front sa harap ng biyenan ay makatutulong upang hindi lumala ang tensyon.
Kapag nagbibigay siya ng komento, subukan mong ibahin ang usapan sa mas positibong aspeto. Halimbawa: “Oo nga po, pero natutuwa naman po kami na ang mga bata ay masaya at malusog.”
Mainam na puma-yag kang lumipat siya sa condo.
Magandang paraan ito para mabigyan kayo ng parehong espasyo at makakaiwas sa iringan.
Pag-usapan niyno nang maayos ang nararamdaman mo tungkol sa sitwasyon. Hilingin sa kanya na tulungan ka ring i-ma-nage ang relasyon niyo sa kanyang ina upang hindi lahat ng bigat ay nasa iyo.
Mahabang pasensya ang kailangan dito, pero tandaan mo na ang maayos na relasyon sa biyenan ay makakabuti rin sa buong pamilya sa katagalan.
DR. LOVE
- Latest