^

Dr. Love

Naghahanap ng pruweba si Rio

-
Dear Dr. Love,

Isa po ako sa inyong napakaraming tagahanga. Ako po si Rio, 15 years-old at nasa third year high school.

Sumulat po ako sa inyo para humingi ng payo. Mayroon po akong crush simula noong ako’y nasa first year high school at hanggang ngayon. Sinabi ng kaibigan ko na may crush din daw ito sa akin. Kaso po ay hindi ako naniniwala kahit na po may napapansin ako sa kanya.

Para ho akong manhid na hindi naman. Ang problema ko po kasi ay hindi ako madaling maniwala. Gusto ko pa rin po ng proof para maniwala ako nang lubusan. Gusto ko po kasi ay ako ang makapagpapatunay na may gusto siya sa akin pero hindi ko naman po alam kung paano ko ito gagawin.

Sana ay matulungan ninyo ako. Marami pong salamat.

Lubos na gumagalang,

Rio


Dear Rio,


Ang tanging proof na magpapatunay na may gusto sa iyo ang iyong crush ay kapag nag-propose na siya sa iyo. Puwedeng personal o sa pamamagitan ng sulat. Hangga’t hindi niya ginagawa ito, wala kang "proof" na maaasahan.

Pero alangan naman kung ikaw na babae ang manliligaw sa kanya, hindi ba?

Kaya huwag kang maghintay ng proof. Kaibiganin mo na lang siya at panahon ang magsasabi kung liligawan ka niya o hindi. Sana ay huwag mong masyadong guluhin ang utak mo sa ganyang bagay.

Normal ang magka-crush, pero hindi ito dapat lubhang sineseryoso. Sa edad mo ngayon, ang dapat mong asikasuhin ay ang pag-aaral.

Marami nang kabataan ang nawasak ang kinabukasan dahil pinabayaan ang edukasyon at sumeryoso sa pag-ibig.

Harinawang huwag kang mapabilang sa kanila. May magandang kinabukasang naghihintay sa iyo kaya’t sikapin mo itong abutin.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DEAR RIO

DR. LOVE

HANGGA

HARINAWANG

ISA

KAIBIGANIN

MARAMI

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with