^

Dr. Love

Ayaw makipag-date

-
Dear Dr. Love,

Greetings to you and to all the readers of your column. Isa po ako sa masusugid na tagapagsubaybay ng inyong column na talaga namang kapupulutan ng aral at nakatutulong sa mga taong bigo lalong-lalo na sa larangan ng pag-ibig.

Tawagin n’yo na lamang po akong Jeanette, 19 years-old. Kailangan ko po ang inyong mahalagang payo sa aking problema.

Mayroon po akong dating boyfriend na tawagin n’yo na lamang na Mr. Libra. Mahigit isang taon din ang aming relasyon ngunit hindi nagtagal dahil may nabalitaan akong may syota raw siyang iba. Pero hindi ko naman iyon pinaniwalaan sapagkat wala akong sapat na basehan. Pero inamin niya sa akin na may nililigawan nga siya ngunit hindi pa raw niya syota. Nagalit ako sa kanya kaya doon nagsimula ang aming tampuhan. Sinisi niya ako at kaya raw niya nagawa iyon ay dahil sa sama ng loob sa akin, kasi nga po hindi ko siya sinasamahan pag gusto niyang mamasyal at hindi ko raw po pinapahalagahan ang relasyon namin.

Nangyari ito simula noong umuwi iyong naging tulay niya sa panliligaw sa akin. Naisip kong walang patutunguhan ang aming relasyon. Nakipag-split ako sa kanya sa sulat lang, pero hindi ko pala kaya. Mahal na mahal ko po siya hanggang ngayon.

Tama po ba ang ginawa ko? Ano po ang dapat kong gawin? Wala po kaming pormal na break-up. Sa ngayon po ay mayroon akong manliligaw at magkabarkada pa naman sila. Sabi niya ay mahal na mahal niya ako. Ayaw ko pong masira ang friendship namin at ayaw kong magtaksil sa bulong ng aking puso. Ano po ang dapat kong gawin? Sana ay matulungan ninyo ako sa aking problema.

Maraming-marami pong salamat sa inyo. Lubos na gumagalang
,

Jeanette


Dear Jeanette,


Anong ibig mong sabihin, hindi mo siya sinasamahan kapag nag-aaya siyang mamasyal? Date? Kung ‘yan ang dahilan kaya siya nanligaw sa iba, kaduda-duda ang intensyon niya sa iyo. Baka ibig lang niyang makuha ang iyong pagkababae.

Kung magkagayon, tama lang na mag-isip-isip ka kung itutuloy mo o hindi ang relasyon sa ganyang uring lalaki.

At kung makikipag-break ka sa kanya, gawin mo itong formal para hindi ka ma-guilty pumasok ka man sa bagong relasyon.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

ANONG

DEAR JEANETTE

DR. LOVE

JEANETTE

MR. LIBRA

NIYA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with