^

Dr. Love

Humanap ka ng binata

-
Dear Dr. Love,

Kumusta na po? Isa ako sa inyong mga tagasubaybay. Malaki ang aking problema at sana ay matulungan ninyo ako. Tawagin na lamang ninyo akong Libra Girl, 20-anyos. May boyfriend po ako at siya ang problema ko. Tawagin na lamang natin siyang Mr. Cancer, 24 years-old. May asawa po siya at magdadalawa na po ang kanilang anak. Pero hiwalay na sila ng asawa niya dahil nalaman nung babae na may ibang babae ang asawa niya. May nangyari na po sa amin. Mahal na mahal ko po siya at handa ko siyang palayain. Pero ako ang pinili niya. Ang sabi ng misis niya ay layuan ko raw siya dahil kung hindi ay may mangyayari raw sa akin. Pinagsalitaan niya ako ng masasakit at ininsulto pa. Pero wala po akong naisagot. Humingi ako ng patawad doon sa babae at nangakong lalayo na pero hindi ko naman nagawa. Ang sabi niya, puwede raw kaming idemanda sa ginagawa namin.

Ano ang gagawin ko gayong mahal na mahal ko ang asawa niya at mahal din niya ako? Ang sabi ng boyfriend ko, huwag ko raw siyang iiwan. Handa kaming makasuhang dalawa at hindi ako natatakot sa anumang kahihinatnan ng aming relasyon.

Ms. Libra


Dear Ms. Libra,


Kung ang payo ko’y layuan mo ang boyfriend mo, susunod ka ba? Obviously, binulag ka ng iyong damdamin sa kanya.

Hindi mo ba naisip na ikaw ang dahilan ng paghihiwalay nilang mag-asawa?

Kung nagkapalit kayo ng sitwasyon ng misis niya at ikaw ang asawang pinagtaksilan, ano ang mararamdaman mo? Matutuwa ka ba kung iiwan ka ng asawa mo at mag-isa kang mag-aaruga sa inyong mga anak? Huwag lang sarili mo ang iniisip mo.

Oo,puwede kayong idemanda ng misis ng boyfriend mo dahil may karapatan siya.

Hangga’t may bisa ang kasal nila, labag sa batas ang pakikipagrelasyon mo sa lalaking iyan.

Ngayon, kung ma-annul ang kasal nila, doon pa lamang marahil magiging legal kung magpapakasal kayo.

Ang pakikipagrelasyon mo sa lalaking iyan ay labag hindi lamang sa batas ng Diyos kundi maging sa tao.

Kaya ang panawagan ko sa iyo, wake up to the real world. Wala bang guwapong binata riyan at kung sino pa ang may asawa ay siya mong pinatulan?

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ASAWA

DR. LOVE

KUNG

LIBRA GIRL

MR. CANCER

MS. LIBRA

NIYA

PERO

TAWAGIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with