^

Dr. Love

Urong ang dila ko kay Angel

-
Dear Dr. Love,

Ako po ay isa sa inyong masusugid na tagasubaybay at ipinagmamalaki ko pong sabihin na hindi buo ang araw ko kung hindi ko nababasa ang inyong column.

Tawagin na lang po ninyo ako sa taguring "Secret Lover." Ako po ay 20 taong-gulang at malapit nang makatapos sa kolehiyo.

Sa edad kong ito, hindi pa ako nagkaroon ng girlfriend. Ang dahilan, dungo ako bukod sa ang pinagtutuunan ko muna ng pansin ay ang aking pag-aaral.

Marami naman akong hinahangaang babae. At sa ngayon nga ay mayroon akong crush kay Angel, isa kong kamag-aral.

Mabait naman po siya, simpleng babae at ang kagandahan niya ay hindi lang sa panlabas na anyo kundi sa kalooban.

Tuwi ko po siyang makikita, bati lang at ngiti ang nagagawa ko kay Angel. Tuwing tatangkain ko siyang kausapin, nangungurong na ang aking dila. Hindi ko tuloy masabi sa kanya ang aking nararamdaman. Natotorpe po ako. Ano po ba ang dapat kong gawin para malaman niya ang aking damdamin?

Sana po, mapayuhan ninyo ako.

Halata kaya niya na mahal ko siya?

Umaasa,

Secret Lover


Dear Secret Lover,


Hindi mo man sabihin, palagay ko naman, nahahalata na rin ni Angel na may gusto ka sa kanya.

Lakasan mo lang ang loob mo. Kung hindi mo kayang mag-isa na yayain siyang mamasyal, bakit hindi mo subukang kaibiganin ang mga kaibigan niya?

Puwede ka ring sumulat sa kanya o kaya’y tawagan siya sa telepono para makipagkuwentuhan para maalis ang daga sa dibdib mo.

Huwag mo na lang biglain ang pagtatapat mo sa kanya ng niloloob mo. Kaibiganin mo muna siya para makapa mo kung may lihim din siyang paghanga sa iyo.

Lalakas ang loob mo kung alam mong may katapat na damdamin ang hangarin mo sa kanya.

Huwag mo ring pababayaan ang pag-aaral mo. Diyan nakasalalay ang kinabukasan mo at eventually ng pamilya mo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

DEAR SECRET LOVER

DIYAN

DR. LOVE

HALATA

HUWAG

KAIBIGANIN

SECRET LOVER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with