^

Dr. Love

Hindi na virgin ang nobya

-
Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Sumulat po ako para humingi ng payo sa aking suliranin.

Tawagin na lamang ninyo akong Victor ng Tarlac, 29 years-old. May girlfriend na po ako at mahal na mahal ko siya.

Para sa akin, siya na ang babaeng gusto kong makasama habambuhay at handang pakasalan. Gusto siya ng mga magulang at mga kapatid ko para sa akin.

Alam ko rin at nararamdaman ko na mahal din niya ako at walang naging problema sa relasyon namin sa loob ng walong buwan.

Pero isang araw, nabigla na lamang ako nang ipagtapat niya sa akin na hindi na siya virgin. Paulit-ulit siyang humingi ng tawad sa akin.

Nasaktan ako sa nalaman kong ito at nagalit sa nangyari. Iginalang ko siya sa panahon ng aming relasyon. Nang dahil doon ay sinabi ko sa aking sarili na kalilimutan ko na siya. Ngunit lagi ko pa rin siyang naaalala at ang magagandang pinagsamahan namin.

Payuhan po sana ninyo ako.

Lubos na gumagalang,

Victor ng Tarlac


Dear Victor,


Obviously, isa kang makalumang binata na nagpapahalaga sa virginity ng isang dalaga. O nasaktan lang ang ego mo dahil hindi ikaw ang nakauna sa nobya mo.

Ganito lang naman yan e. Kung hindi mo matatanggap na hindi na siya virgin, forget her kahit na gaano mo siya kamahal. Huwag mong pilitin ang sarili mo sa bagay na hindi mo kayang tanggapin.

Kapag kasi nagkunwari ka na okey lang sa iyo ito kahit na hindi, baka pagmulan pa ito ng mga away ninyo pagdating ng araw. Hindi maiaalis na isumbat mo ito sa kanya, hindi ba?

Kung kaya mo namang tanggapin na hindi ikaw ang nakauna sa kanya, win her back. Kalimutan mo ang nangyari and start all over again.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALAM

DEAR VICTOR

DR. LOVE

GANITO

HUWAG

IGINALANG

SIYA

TARLAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with