^

Dr. Love

Bodyguard ang bf niya

-
Dear Dr. Love,

Just call me Bhebs, 25 years-old. Nagsimula po ang aking problema sa pag-ibig nang magkaroon ako ng boyfriend na isang bodyguard ng gobernador dito sa aming lugar. Hindi ko po alam kung talagang mahal niya ako. Once a month lang kasi kami kung magkita dahil masyado siyang busy. Pareho kaming may cellphone pero kapag may message ako sa kanya ay hindi man lang siya sumasagot. Tuwing nagkikita kami, wala siyang ibang sinasabi kundi "I Miss You." Hindi man siya nagsasabi ng "I Love You."

Dr. Love, mahal kaya ako ng boyfriend ko? Ako, nasisiguro kong mahal ko siya kahit lagi siyang wala sa paningin ko. Dahil sa pagmamahal ko sa kanya, lagi kong iniintindi ang sitwasyon naming dalawa. Kahit once a month lang kami magkita, lagi pa rin siyang nasa puso ko.

Dr. Love, paano ko po malalaman kung mahal ako ng boyfriend ko? Nalilito na talaga ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para malaman ang nilalaman ng puso ng boyfriend ko. Nahihiya naman akong tanungin siya. Pagpayuhan sana ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin. Thank you and more power.

Umaasa,
Bhebs of Maasin City


Dear Bhebs,


Mahirap maging security ng isang may mataas na katungkulan sa pamahalaan.

Halos hindi na niya pag-aari ang maraming oras sa kanyang buhay. Kahit saan magpunta ang binabantayan niya’y lagi siyang nakabuntot na parang anino.

Totoo ito lalo pa’t may matinding tangka sa buhay ng kanyang pinoprotektahang tao.

Marahil ay mahal ka niya subalit hindi siya makapag-ukol ng sandali para sa iyo dahil sa kanyang obligasyon. Kung mahal mo siya at kaya mong tiisin ang pagkukulang niya, go on with your relationship.

Pero kung inaakala mong hindi ka liligaya sa piling niya, ngayon pa lang ay magdesisyon ka.

Nasa sa iyo ang huling pasya.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

BHEBS

BHEBS OF MAASIN CITY

DEAR BHEBS

DR. LOVE

I LOVE YOU

I MISS YOU

KAHIT

KUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with