Face the consequences
January 30, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love
Magandang araw po! Ako po ay 21 years-old. Sumulat po ako dahil na rin po sa gusto kong humingi ng payo mula sa inyo. Ako po ngayon ay nag-aaral sa isang university at kasalukuyan din pong nagtatrabaho.
May girlfriend po ako, 18 taong-gulang at di na po nag-aaral dahil mahirap lang po sila. Maganda siya, makinis at medyo chubby (na isa sa mga nagustuhan ko sa kanya). Nagtatrabaho po siya ngayon sa isang food chain.
Sixteen months na po kami. Nagre-rent po kami ng isang bahay. Siya po ang nagbabayad nun galing sa suweldo niya. Umuuwi po ako dun kahit na pinagagalitan na ako ng parents ko kapag hindi ako umuuwi sa bahay namin. Kung minsan ay isang linggo akong hindi umuuwi kasi po naaawa akong iwanan siyang mag-isa sa bahay.
Nag-iisa na siya sa buhay at malalayo ang mga kamag-anak niya. Galing po siya sa Mindanao, naglayas dahil daw po sa kalupitan ng ama niya at ako na lamang ang itinuring niyang pamilya. Mahal ko po siya at alam kong mahal na mahal niya rin ako. Wala po sanang problema dahil masaya naman po kami, nag-aaway paminsan-minsan pero naaayos rin namin.
Ngunit noon pong October ay may nakilala akong babae na nagbigay sa akin ng problema. Maganda ho siya at mabait. Lea po ang pangalan niya, 22 years-old, tapos na ng pag-aaral at nagtatrabaho. Nakilala ko lamang ho siya noong nag-aaply po ako para magtrabaho (part time job) sa isang mall. Masyado hong mabilis ang pangyayari at hindi ko namalayang may nangyari na sa amin nang araw ding iyon.
Niyaya niya po kasi akong lumabas. Hindi ko naman po alam na mauuwi sa isang motel ang usapan namin. Akala ko po kasi one-night stand lang ang magiging relasyon namin dahil sa mga naikuwento niyang experiences niya about sex.
Nagtaka nga po ako kung bakit virgin pa siya.
Maging siya ay nagsabi na virgin pa siya at sinabi niya lang na marami na siyang experience para masakyan ako. Napatunayan ko naman po na nagsasabi siya nang totoo dahil marami na rin akong nagalaw na mga babae. Nagbago lang po ako nang makilala ko yong girlfriend ko.
Pero natukso akong muli (alam ko po na invalid reason po yon), pero sa maniwala po kayo o sa hindi ay mahal na mahal ko po ang girlfriend ko. Siya po ang gusto kong mapangasawa. Nagpaplano na rin po kaming magkaanak pero nag-aalangan pa kaming pareho dahil na rin po sa kahirapan ng buhay sa ngayon at natatakot din po akong baka pahintuin na po ako sa pag-aaral ng parents ko pag nalaman nila.
Noong nakarang linggo, tumawag po sa akin si Lea at sinabing buntis po siya gusto po niyang panagutan ko ito. Noong una, akala ko ay tinatakot lang niya ako dahil bihira na akong makipagkita sa kanya. Kaya naman po nakipagkita ako sa kanya para patunayan kung totoo nga ba na buntis siya. Bumili po ako ng pang-pregnancy test at naging positibo po ang resulta. Inisip ko na baka nagkamali lang kami kaya bumili po ako uli ngunit naging positibo pa rin ho ang resulta.
Hindi naman po sa nire-reject ko yung magiging anak ko, kaya lang po hindi pa po ako handa at hindi po sa kanya. Alam ko po na dapat kong panagutan yong ginawa ko pero paano naman po ang girlfriend ko? Mahal na mahal ko po siya at hindi ko kayang iwanan. Marami po kaming mga pangarap. Hanggang sa ngayon po ay hindi pa niya alam ang tungkol kay Lea at natatakot po akong malaman niya.
Pagpayuhan po sana ninyo ako. Umaasa po ako at marami pong salamat. Mr. Confused
Dear Mr. Confused,
Napakagulong sitwasyon ang pinasukan mo dahil sa iyong kapusukan. Hindi ako maniwalang mahal mo ang girlfriend mo katulad ng sinasabi mo. Kung talagang mahal mo siya, bakit nagawa mong makipagtalik sa isang babaeng noon mo pa lamang nakilala?
Wala kang dapat gawin kundi face the consequences of your actions. Mas mabuting ipagtapat mo sa iyong girlfriend ang buong pangyayari at humingi ka ng tawad sa iyong nagawang pagtataksil sa kanya. Mas masakit kung basta mo na lamang siya iiwan nang wala siyang kaalam-alam sa mga pangyayari.
Ibatid mo rin sa iyong mga magulang ang nangyari at humingi ka ng tulong sa kanila. Siyempre, sa una ay magagalit sila. Kailangan mo itong tanggapin. Good luck.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended