Sobra ang aking pride
November 11, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Una po isang masaganang pagbati sa inyo at sa lahat ninyong kasamahan sa PSN.
Naglakas loob po akong lumiham sa inyo para humingi ng mahalaga ninyong payo sa problema ko sa puso.
Hindi ko po malaman kung kailangan kong sumuko sa lalaking tatlong taon kong boyfriend at mahal na mahal ko pa rin sa kabila ng pakikipagkalas ko sa kanya ng relasyon.
May anim na buwan na po kaming walang komunikasyon ni Bert mula nang hingin ko sa kanya ang aking kalayaan.
Selos lang ang pinagmulan ng aming paghihiwalay. Naghinala akong mayroon siyang kinalolokohang ibang babae na tinanggihan naman niya.
Wala akong solidong ebidensiya matangi sa sumbong na nakarating sa akin sa pamamagitan ng kaibigan.
Ang dahilan ni Bert, wala akong dapat na ipagselos dahil kaibigan lang ang turing niya sa babaeng pinagselosan ko. Hindi daw niya ito niligawan. Malapit lang ang pagkakaibigan nilang dalawa dahil sa magkababata sila at malapit ang relasyon ng kanilang mga parents sa kanilang komunidad.
Hindi ako naniwala. Nagkaroon kami ng away hanggang sa nakipagkalas ako sa kanya ng relasyon.
Pero nagdurusa ako. Hindi siya tinawagan para humingi ng sorry. Ang akala ko, siya ang lalapit uli sa akin para makipagbati. Pero alam kong maaaring dumating na rin sa sukdulan ang tampo niya sa akin o maaaring galit dahil sa aking pagiging selosa.
Ano po sa tingin ninyo? Dapat ba akong humingi ng tawad sa kanya ngayong hindi ako mapagkatulog at namayat na sa kaiisip sa naunsiyami naming pag-ibig.
Pero dahil sa sobra kong "pride" parang hindi ko maatim na ako ang unang tumawag sa kanya para kami magkabati.
Hangad ko po ang inyong kasagutan sa problema kong ito.
Merlinda
Dear Merlinda,
Alam ko ang iyong problema. Ayaw mong isiping naghahabol ka sa nobyo mo dahil ikaw ang himihingi ng pakikipagkalas. Maaaring nasanay kang ikaw ang laging sinusuyo at masyado naman segurong lumaki ang ulo mo.
Pero kung alam mong ikaw ang may kasalanan, bakit hindi naman ikaw ang gumawa ng daan para magkasundo kayo ng boyfriend mo.
Bakit hindi ka humingi ng tulong sa mga kaibigan ninyong dalawa para magkalapit kayo?
Kung minsan, hindi masamang kalimutan mo muna ang "fried chicken" mo kung ikaw ang talagang may sala. Malay mo, baka hinihintay lang ni Bert ang tawag mo. Tawagan mo na siya bago mahuli ang lahat.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended