Nasaan ka irog?
May 3, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa po ako sa magiliw ninyong mambabasa. Bilib ako sa magagandang payo ninyo sa mga sumusulat sa inyo. Hindi ko akalain na isang araw ay susulat ako sa inyo.
Ako si Tommy Caparro, 26 years-old ng 150 Doña Rorie st., Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Q.C. Nagkaroon ako ng kasintahan noong October 14, 2000. Nagtatrabaho ako noon sa isang steel factory sa Taguig. Sa loob ng isang linggo ay isang beses lang ako umuwi ng Novaliches. Pero hindi ko siya nalilimutang dalawin sa bahay ng kanyang pinaglilingkuran bilang katulong. Nakakapag-usap naman kami sa pahintulot ng kanyang mga amo. Sa tuwing nag-uusap kami, lagi niyang sinasabi sa akin na gusto na niyang umuwi sa Negros pero ayaw daw siyang payagan ng kanyang mga amo. Papayagan lang daw siya kapag walang pasok ang mga bata sa paaralan.
Noong January, hindi na siya nakatiis. Umalis siya sa kanyang mga amo nang hindi nagpalaam. Yun ang sabi sa akin ng amo niyang lalaki. Hindi rin siya nagpaalam sa akin. Sa tindi ng sama ng loob ko ay napaiyak ako. Napabayaan ko ang trabaho ko at hindi nagtagal ay nag-resisn na lamang ako. Pero sa awa ng Diyos, nakahanap ako ng bagong trabaho bilang isang security guard.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan si Analyn. Umaasa pa rin ako na sana ay muling magtagpo ang aming mga landas. Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin kong kasintahan. Natatakot kasi ako na baka kapag nagkita kami ay makasakit ako ng damdamin ng ibang tao.
Dr. Love, dapat pa ba akong maghintay at umasa kay Analyn? Sana ay mapayuhan ninyo ako. Sana sa pamamagitan ng kolum mo ay magkaroon ako ng mga kaibigan.
Gumagalang,
Tommy
Dear Tommy,
Panahon lang ang makakapagsabi kung magkikita pa kayo ng girlfriend mo.
Sana, sa pamamagitan ng pitak na ito ay magkaugnayan kayong muli.
Maghintay ka pero hindi habambuhay. Kung pagkatapos ng rasonableng panahon ay walang mangyari sa paghihintay mo, kalimutan mo na lang siya at humanap ng iba. Inilagay ko ang kumpletong address mo at sana ay magkaroon ka ng maraming mga kaibigan sa panulat at mapili mo sa mga ito ang makakasama mo pagdating ng panahon.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended