^

Dr. Love

Ibig manalo sa lotto

-
Dear Dr. Love,

Masaganang pagbati ang ipinararating ko sa inyo. Matagal na akong sumusubaybay ng inyong column.

Sa katunayan, kaya po ako naglakas-loob na sumulat sa inyo ay para ihain ko ang aking suliranin sa buhay.

Ako po si Ismael ng University Site, Lucena City. Ang birthday ko po ay May 5, 1954. Nais ko po sanang malaman kung tatama po ba ako sa lotto at kung ano pong numero ang dapat kong tayaan.Umaasa,

Ismael


Dear Ismael,


Dapat ay kay Madam Rosa ka sumulat at hindi sa akin. Pero maging si Madam Rosa ay hindi nagbibigay ng numero sa lotto dahil ayaw niyang umasa sa sugal ang mga tao.

Ganito rin ang pananaw ko. Hindi mo dapat na iasa ang iyong kapalaran sa lotto. Sugal iyan at hindi mo alam kung ikaw ay tatama.

Walang ibang paraan para umunlad kundi ang magsumikap. Iyan ang garantisadong paraan sa pag-asenso.

Dr. Love

vuukle comment

DAPAT

DEAR ISMAEL

DR. LOVE

GANITO

ISMAEL

IYAN

LUCENA CITY

MADAM ROSA

MASAGANANG

UNIVERSITY SITE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with