Umibig sa textmate

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo. Isa ako sa masusugid na sumusubaybay sa inyong column.

Sumulat po ako para humingi ng payo sa problema ko. Tawagin na lamang ninyo akong Mr. Scorpio ng Bulacan, 28 years-old.

May minahal po ako si Aries Girl ng Quezon City, 23 years-old, textmate ko. Akala ko ay siya na ang babaeng pinapangarap ko na makasama habambuhay. Hindi pala. Nagkamali ako.

Nagsimula ang pagmamahalan namin noong Mayo 2002. Inibig ko siya nang higit pa sa buhay ko. Mahirap pala ang magmahal nang todo kasi masakit sa bandang huli kung iiwanan ka niya.

Ganoon ang nangyari sa akin. Bigla niya akong iniwan. Noong una ay very sweet kami sa isa’t isa. Parang walang katapusan ang aming pagmamahalan.

Pero pagkatapos ng Pasko, nagkahiwalay kami. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagbago. Dr. Love, sana ay ilagay mo ang cell number ko para magkaroon ako ng mga textmates. Ang cell nos. ko ay 0919-6922363 at 0919-5728093.

Lubos na gumagalang,
Mr. Scorpio ng Bulacan


Dear Mr. Scorpio ng Bulacan,


Talagang mahirap mawalan ng minamahal, lalo na’t buhos na buhos ang pagmamahal mo sa kanya. Ang tanging maipapayo ko sa iyo ay kalimutan na si Aries Girl kahit ito’y masakit sa iyo.

Unang-una, hnid mo siya lubos na kilala dahil nagkakilala lang kayo sa text.

Bakit hindi mo subukang manligaw sa mga babaeng personal mong kakilala? Sa pamamagitan nito, makikilatis mo ang tunay nilang pagkatao.

Walang dahilan para mahalin mo ang isang babaeng hindi mo talos ang tunay na pagkatao.

Dr. Love

Show comments