May crush si Aries Girl

Dear Dr. Love,

First time ko pong sumulat sa inyong column. Araw-araw ko pong tinatangkilik ang inyong column at hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko ito nababasa.

Mayroon po akong crush-si Mr. Cute, 23 years-old from Bulacan. Crush ko po siya mula nang maging ahente namin siya at hanggang ngayon.

Noong una po, akala ko'y masungit siya. Pero nang makilala ko na siya, mabait naman pala siya at gentleman pa.

Gusto ko lang pong malaman kung may pag-asa bang mapansin niya ako. Hindi ko po alam kung crush ko lang siya o umiibig na ako sa kanya. Tuwing makikita ko siya ay nanginginig ang mga kamay ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.

Tulungan mo sana ako at bigyan ng payo kung ano ang dapat kong gawin. Marami pong salamat and good luck to your column.

Always,

Aries Girl


Dear Aries Girl,


Ang tanging magagawa mo'y makipagkaibigan sa kanya nang hindi ipinakikitang crush mo siya para naman di ka magmukhang easy girl.

Kasi kung ipahahalata mo ang feelings mo sa kanya, baka naman mag-take advantage siya sa iyo.

Kung talagang may gusto siya sa iyo, tiyak na liligawan ka niya nang may paggalang kung ipakikita mong hindi ka basta-basta.

At kung ikaw mismo ang magpapakita ng motibo, maaaring ligawan ka nga niya pero baka iwanan ka kapag nakuha na ang gusto niya sa iyo.

Dr. Love

Show comments