^

Dr. Love

Seloso ang bf

-
Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo. Sana ay hindi mo ako biguin sa tulong na hihingin ko. Sana ay mabigyan mo ako ng magandang payo.

Mayroon akong boyfriend. Mahigit isang taon na ang aming relasyon pero isang taon ko na rin siyang hindi nakikita. Pero tumatawag naman siya sa akin at sumusulat.

Taga-Mindanao siya at napakaseloso. Lagi kaming nag-aaway kapag tumatawag siya sa akin. Kapag hindi ako nakakapag-text sa kanya, iba na ang nasa isip niya. May iba na raw ako. Mahirap siyang intindihin.

I am 22 years-old at tama bang magsama na kami? He is 27. Siya lang ang lalaking minahal ko.

Hindi ko pa kilala ang family niya at natatakot ako na baka ayawan nila ako.

Ano ang gagawin ko?

Mae


Dear Mae,


Sa relasyon, importante ang compatibility o pagkakasundo ng ugali.

Ang madalas na pag-aaway ay tanda ng incompatibility. Maaaring nag-iibigan nga kayo pero kung lagi ang bangayan, baka makasal man kayo’y mauwi sa hiwalayan ang inyong pagsasama.

Pero huwag ka munang sumuko. Mag-usap kayo at sikaping ayusin ang ano mang di pagkakasundo. Sabihin ninyo ang inyong ayaw sa isa’t isa at mangakong magbabago alang-alang sa inyong pag-iibigan.

Pareho kayong nasa wastong edad na pero bago kayo magpakasal, tiyaking magkakasundo kayo habambuhay.

Mahirap na ang magsisi.

Dr. Love

AKO

ANO

DEAR MAE

DR. LOVE

KAPAG

LAGI

MAAARING

MAHIRAP

PERO

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with