Tutuparin kaya ang pangako?
September 21, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Ako po ay 16 years-old at nasa 4th year high school sa isang paaralan sa isang bayan sa Quezon. Ang boyfriend ko po naman ay hindi ko alam kung nasa lalawigan pa o nasa Maynila.
Noong Marso ko lamang siya sinagot. Magkaiba kami ng paaralan na pinapasukan. Nang magkaroon kami ng relasyon, marami na ang nagbago sa kanya. Palagi na siyang late sa aming tipanan at kung minsan ay hindi pa sumisipot.
Naging torpe rin siya. Dati-rati, noong nanliligaw pa lang siya, lagi siya sa aming bahay kasi ang gusto niya ay ipakilala ko siya sa aking mga magulang.
Dati ay mayroon siyang isang salita. Naguguluhan po ako ngayon. Ako raw ang first girlfriend niya at first love. Siya naman ang pangalawa kong nobyo.
Noong sinagot ko siya, hindi ko pa siya masyadong mahal. Pero ngayong magkalayo kami, damdam ko kung gaano ko siya kamahal.
Naririto po ako sa Maynila para ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Ibinigay ko sa kanya ang aking address at phone number pero wala siyang tawag o sulat. Isang taon na ako dito sa Maynila at wala akong balita ukol sa kanya.
Ang pangako niya sa akin noon, makatapos lang kami ng pag-aaral ay pakakasal kami at magsasama.
Dapat ko pa bang asahan ang pangako niya sa akin?
Gumagalang,
G.B.
Dear G.B.,
Kung totoong tapat at mahal ka ng boyfriend mo, sana kahit minsan ay may sulat siya sa iyo. Maaaring nagbago na siya o kayay inuuna muna niya ang kanyang pag-aaral.
Sa ngayon, ang pag-ukulan mo ng pansin ay ang iyong kinabukasan. Sa hirap ng buhay ngayon, mas makabubuting paghandaan mo ang kinabukasan mo kaysa aksayahin ang panahon sa pag-iisip ng lalaki na maaari namang hindi nag-iisip sa iyo.
Maging praktikal ka. Huwag mong panaigin ang puso kundi dapat mo ring gamitin ang iyong utak.
Kung mawala man sa iyo ang nobyo mo, huwag mong iyakan at sa halip ay gamitin mo itong isang hamon para paunlarin ang iyong sarili at makakatagpo ka rin ng mas mamahalin mo nang lubos at mamahalin ka rin.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended