^

Dr. Love

14-anyos ang nobya

-
Dear Dr. Love,

Hi! Magandang araw po sa inyo at sa lahat na kasamahan ninyo sa pasulatan. Sana’y nasa mabuti kayong kalagayan.

Nakasulat na po ako sa pitak ninyo noong December 1996 at pinamagatan ninyong Miss World. Labis po akong nagpapasalamat sa inyong tugon sa problema ko.

Tawagin na lamang po ninyo akong Mr. Libra, 23-anyos. Naririto na naman po ako at nais na humingi ng payo at kaliwanagan sa isang suliranin na dinaranas ko ngayon.

Nais ko pong itanong kung kasalanan po ba ang umibig sa isang 14-anyos? Siya si Miss Scorpio, second year high school. Boto po ang kanyang mga magulang sa akin. Sinabi nila sa akin na hayaan ko raw munang makatapos ng pag-aaral ang kanilang anak at nangako naman po ako na hinding-hindi ko sisirain ang tiwalang ibinigay nila sa akin.

Naging girlfriend ko po siya. Malaki ang bulas niya kaya hindi halata ang edad niya. Pero ngayon ay iniiwasan ko na siya dahil sa ugali niya dahil nga bata pa siya.

Tama ba ang desisyon ko? Ayaw ko po kasing masaktan lang ako pagdating nang hindi inaasahan at saka nag-aaral pa naman siya.

Dahil sa malawak ninyong karanasan, sa inyo po ako higit na nagtitiwala at umaasa.

Sumasainyo,

Mr. Libra


Dear Mr. Libra,


Ikinatutuwa kong nakatulong ako sa una mong problemang idinulog sa pitak na ito. Nakalulugod ding mabatid na pinagtitiwalaan ang pitak na ito ng mga mambabasa bukod sa nakatutulong sa kanilang suliranin.

Wala namang masama kung umibig ka sa isang 14-anyos. Walang edad na kinikilala ang pag-ibig. Kaya nga lang, dahil bata pa ang nobya mo, hindi ka nakatitiyak na sa pagtagal ng panahon, ikaw pa rin ang mahal niya sakali’t makatagpo siya ng ibang mamahalin.

Maaaring "crush" pa lang ang damdamin niya para sa iyo kundi man pagmamahal ng isang kapatid.

Tama ang desisyon mo na iwasan muna na madarang kayo pareho. Alagaan mo muna siya hanggang ganap na mamukadkad tulad ng isang bulaklak.

Hindi mo rin mapanghahawakan ang pangako sa iyo ng kanyang mga magulang na pagkatapos ng kanyang pag-aaral ay pakakasal na kayo. Iba ang takbo ng panahon ngayon at may sariling desisyon at paninindigan ang mga kababaihan ngayon.

Huwag mo ring talian ang iyong sarili sa pakikipagkilala sa ibang babae. Kung talagang si Ms. Scorpio ay para sa iyo, hindi magbabago ang kanyang damdamin kahit na maging ganap na siyang dalaga.

Ang importante, binigyan mo siya ng magandang pagkakataong makilala ang sarili at ang tunay niyang damdamin.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALAGAAN

AYAW

DR. LOVE

MISS SCORPIO

MISS WORLD

MR. LIBRA

MS. SCORPIO

SIYA

TAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with