^

Dr. Love

Edukasyon muna

-
Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo. Isa po ako sa libu-libong tagasubaybay ng inyong column. Dahil po sa inyong kolum ay namulat ang aking mga mata at kaisipan kung ano ang naidudulot ng tunay na pag-ibig sa isang tao.

Itago na lamang ninyo ako sa pangalang Mr. Libra, 18 years-old, ng Bulacan. Nagkaroon po ako ng maraming ka-textmate at isa na rito si Rowena ng Tarlac. Nabaitan ako sa kanya at nagdesisyon kaming magkita. Nagkagusto agad ako sa kanya at ganoon din siya sa akin at nag karoon kami ng relasyon.

Lumipas ang mga araw, naging madalang ang pagtawag niya at kinutuban na ako. Inamin niya sa akin na may iba na siyang mahal. Ako na ang gumawa ng paraan para maputol ang relasyon namin.

Sa ngayon ay mayroon akong ibang nagugustuhan sa school namin. Di ako masyadong makapag-concentrate sa pag-aaral kapag hindi ko siya nakikita sa buong araw. Kaya lang ay natatakot akong manligaw dahil baka mangyari na naman ang nangyari sa akin noon.

Sana po ay matulungan ninyo ako dahil hindi ko na po alam ang gagawin ko. Thanks and more power.

Mr. Libra of Bulacan


Dear Mr. Libra,


Harapin mo muna ang iyong pag-aaral. Wika nga, 90% education and only 10% inspiration.

Ibig sabihin, huwag gawing prayoridad ang lovelife.

Makipagkaibigan ka sa maraming babae ngunit huwag masyadong seryoso sa pakikipagrelasyon dahil baka masira ang inyong pag-aaral.

Kapag tapos ka na, you have all the chances to select the right woman for you.

Dr. Love

AKO

BULACAN

DAHIL

DR. LOVE

HARAPIN

IBIG

INAMIN

ISA

MR. LIBRA

MR. LIBRA OF BULACAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with