^

Dr. Love

Galit-bati

-
Dear Dr. Love,

More power to all the staff of PSN. Lagi po akong sumusubaybay sa column ninyo pero ngayon lang po ako sumulat sa inyo.

Tawagin na lamang ninyo akong Ms. Capricorn, isinilang noong December 31, 1984. May boyfriend po ako–si Mr. Gemini, ipinanganak noong June 14, 1984. Ako po ay nasa 4th year high school at siya naman ay 1st year college.

Mahal na mahal ko po siya at natatakot akong mawala siya sa akin. Kami na po kaya 4-ever? Nakakadalawang taon na ang aming relasyon pero galit-bati kami.Magbi-break, magbabalikan. Ingat na ingat po ako para hinpdi kami mag-away.

Tama po bang asahan ko ang pangako niya na maghintay lang daw ako ng tamang panahon? Ano po ang magandang gawin para hindi kami magkahiwalay?

Sana ay matulungan ninyo ako sa problema kong ito.

Umaasa,
Ms. Capricorn #14


Dear Ms. Capricorn #14,


Kung ang relasyon ninyo’y "galit-bati," ang ibig sabihin niyan ay kapwa pa kayo bata at hindi handa sa seryosong relasyon.

Ang tunay na pag-ibig ay may pagbibigayan, pang-unawa at pasensiya. Ang kakulangan ninyo’y pinupunan ng isa’t isa.

Kung wala ang mga elementong iyan, it means na pag-aralan muna ninyo ang inyong sarili. Mag-usap kayo at alamin ang inyong likes and dislikes at mangakong magbibigayan sa isa’t isa.

But then, it’s very early to say kung kayo nga ang magkakatuluyan. Asikasuhin muna ninyo ang inyong pag-aaral para maihanda ang sarili sa mga hamon ng hinaharap.

Ngayo’y sinasabi mong "mahal na mahal" mo siya. Huwag kang magsalita nang tapos dahil sa edad mo ngayon, maaari ka pang makakita ng higit mong iibigin.

Dr. Love

AKO

ANO

ASIKASUHIN

DR. LOVE

HUWAG

INGAT

LAGI

MR. GEMINI

MS. CAPRICORN

NINYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with