^

Dr. Love

Pinsan ko mahal ko

-
Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. Isa po ako sa marami ninyong tagasubaybay.

Tawagin na lamang po ninyo akong Ms. Sagittarius ng Leyte. Lumiham po ako sa inyo dahil sa napakabigat kong problema at alam kong matutulungan ninyo ako.

May boyfriend na po ako at tawagin na lamang natin siyang Mr. Libra, 23 years-old. Ako naman ay 18 years-old. Nagmamahalan kami at tapat kami sa isa’t isa. Masaya po ang aming relasyon at pitong buwan na po kaming mag-on. Sa loob ng maikling panahon na ito ay naipagkaloob ko sa kanya ang lahat-lahat. Huli na nang malaman namin na mag-pinsan pala kami (third degree).

Dr. Love, tulungan po ninyo ako. Gulung-gulo na po ang isip ko.

Gumagalang,
Ms. Sagittarius ng Leyte


Dear Ms. Sagittarius,


Mahirap kung agad-agad pinauubaya ng isang dalaga ang kanyang pagka-birhen sa kanyang boyfriend. Una, labag iyan sa kalooban ng Diyos.

Ikalawa, kapag nalaman mong may balakid sa inyong relasyon ay huli na ang lahat.

Bukod diyan, ang pagtutol ng inyong mga magulang ay isa ring malaking hadlang sa inyong relasyon, lalo pa’t ito ay dahil sa inyong pagiging magkadugo ng iyong kasintahan.

Subali’t sa tingin ko, kung kayo’y mag-third cousin ay medyo malayo na ang inyong relasyon. Hindi ko lang masiguro kung pinahihintulutan ng batas ang marriage ng mag-third cousin. Makabubuting sumangguni ka sa abogado. Kung puwede, nangangahulugang maaari ninyong ipagpatuloy ang inyong relasyon. Pero mind you: NO SEX habang hindi pa kayo kasal.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

BUKOD

DIYOS

DR. LOVE

GULUNG

GUMAGALANG

HULI

LEYTE

MR. LIBRA

MS. SAGITTARIUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with