^

Dr. Love

Patunayan mo

-
Dear Dr. Love,

Hello! Isa po ako sa marami ninyong tagahanga at mambabasa ng inyong malaganap na pahayagan. Sana po ay lumawig pa ang pitak na ito dahil malaking tulong ang naibibigay ninyo sa mga may problemang tulad ko na walang mapaghingahan ng aming sama ng loob.

Lumiham po ako upang itanong kung tama ba o hindi ang ginawa kong pakikipagkalas sa aking boyfriend.

May tatlong taon na kaming mag-on ni Alfred. Maganda naman sana ang aming relasyon dangan nga lamang at nagkaroon ng isang babaeng nakahati ko sa kanyang pagmamahal. Natuklasan kong nagdo-double time itong si Alfred kung kaya’t minabuti kong kalasan siya hanggang hindi ko napapatunayang ako lang at wala nang iba sa buhay niya.

Ang sa akin lang naman, hindi pa man kami mag-asawa ay ganito na ang ginagawa niyang pandaraya sa akin. Lalo na siguro kung kasal na kami at mayroon nang mga anak.

In fairness to him naman, sinabi niya sa akin na hindi naman daw niya mahal si Bea. Pero ang sabi ko, hindi pala niya mahal, bakit pa niya ito pinaaasa? Paano kung mayroong mangyari sa kanilang hindi maganda?

Ang gusto ko sana ay maging matapat siya sa akin at hindi nagsisinungaling.

Ayaw niyang pumayag na mag-break kami. Pero hindi ko iyon pinansin.

Malimit pa rin siyang tumatawag sa akin at dumadalaw sa bahay to renew our closeness. Pero sigurista ako. Ayaw ko ng magkabalikan kami nang mayroon pa silang relasyon ni Bea.

Kung aalukin kaya niya ako ng kasal, dapat pa ba akong maniwala sa kanya?

Hanggang dito na lang po at regards to you.

Nagpapasalamat,
Marinela


Dear Marinela,


Mahal mo pa ba si Alfred? Iyon lang ang importante.

Kung mahal mo siya at nakikita mong nagbago na siya at may matibay kang ebidensiya na wala na sila ni Bea, tanggapin mo na ang alok niyang kasal.

Bagaman ang kasal ay hindi ganap na seguridad na hindi na nga mambabae si Alfred, matibay naman itong pundasyon ng isang pagsasama lalo na kung mayroon na kayong mga anak.

Kung minsan din nga naman, ang isang lalaki ay napipilitang makipagrelasyon sa isang babae dahil siya na mismo ang nag-aalok ng kanyang sarili.

Subali’t hindi matibay ang relasyong ito lalo na’t may ibang minamahal ang isang lalaki.

Dr. Love

AYAW

BAGAMAN

BEA

DEAR MARINELA

DR. LOVE

HANGGANG

ISA

KUNG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with