^

Dr. Love

Takot mabasted

-
Dear Dr. Love,

Hi to you and to all of your readers.

Ako po si Dennis, 19 years-old. May nakilala po akong isang babae na nagtatrabaho malapit sa bahay namin. Gustung-gusto at mahal na mahal ko po siya. Minsan ay sinabi ko sa kanya kung puwede ba akong manligaw at kung puwede ko siyang ihatid sa bahay nila pero tinanggihan niya ako. Nagdamdam ho ako. Siguro ay dahil wala siyang pagtingin sa akin at sinabi niya na ayaw muna niyang makipagrelasyon.

Pinipilit ko siyang kalimutan pero dahil sa malapit lang siya sa amin ay hindi ko magawa. Gusto kong magtapat sa kanya pero baka mabigo na naman ako.

Umaasa po ako na sana ay mabibigyan ninyo ako ng payo. Thank you and more power.

Mr. Aquarius,
1518 M. Naval st.,
Navotas, Metro Manila


Dear Mr. Aquarius,


Pambihira ka. Nagtago-tago ka pa sa alyas na Mr. Aquarius pero sinabi mo naman sa sulat ang real name mo. Pati address!

Anyway, okey ka kid. You remind me of myself nung sing-edad mo pa ako.

Here’s my advise. Kaibiganin mo muna ang love interest mo. No mention of love kundi purely friendship.

Mahirap kasi kung bibiglain mo. Kapag nahuli mo na ang loob niya, maaari mo nang ibunyag ang tunay mong damdamin sa kanya.

Wika nga, kaunting tiyaga para may nilaga.

But mind you. Baka masyado ka pang bata para sa serious relationship. Graduate ka na ba ng college?

If not, huwag kang maa-out of focus sa pag-aral just because of love.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DR. LOVE

GUSTUNG

KAIBIGANIN

KAPAG

LOVE

MAHIRAP

METRO MANILA

MR. AQUARIUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with