^

Bansa

Fact check: Claire Castro, hindi si Marcos ang pinapatamaan sa isyu ng droga

Philstar.com

MANILA, Philippines — Mali at in-edit ang isang viral edited video na nagpapalabas na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tinutukoy ni Palace Press Officer Claire Castro sa usapin ng paggamit ng marijuana at fentanyl.

Sa Facebook reel na ipinost ng page na Atty. Sheila Sison Defense Team noong Oktubre 25, pinalalabas na sinabi umano ni Castro na umamin si Marcos sa paggamit ng marijuana at pag-abuso sa fentanyl.

May nakalagay ding text sa video na nagsasabing nag-resign na umano si Castro kaya bumabanat na siya sa pangulo.

Gayunman, makikita sa orihinal na video na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang tinutukoy ni Castro, hindi si Marcos.

“Inamin mismo ni dating Pangulong Duterte, Pangulo na siya, na siya’y gumagamit ng marijuana. At inamin niya rin na ang paggamit niya ng fentanyl ay inabuso niya dahil masarap daw ’yung pakiramdam, ‘cloud nine’ ang feeling,” ani Castro habang nasa India noong Setyembre 11.

Makikita sa viral reel na pinutol ang bahagi ng pahayag ni Castro, na nagbago sa konteksto at nagpalabas na si Marcos ang kanyang tinutukoy.

Mali rin ang pahayag sa video na nag-resign na at umalis sa puwesto si Castro.

Nagsumite si Castro ng courtesy resignation kasama ng iba pang opisyal ng Presidential Communications Office matapos ang pagbabago sa pamunuan ng ahensya. Ngunit sinabi ni PCO Secretary Lino Cayetano noong Oktubre 23 na hindi niya ito tatanggapin at mananatili si Castro bilang Palace press officer.

—
Voiced by Philstar.com / Janelle Liong  
Script and editing by Philstar.com / Geraldine Santos

BONGBONG MARCOS

CLAIRE CASTRO

FACT CHECK

FACT-CHECK

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with