SC, ibinasura mga petisyon vs. new voting threshold ng Senate Court

MANILA, Philippines — Ibinasura kahapon ng Korte Suprema ang mga petisyon nina Atty. Vic Rodriguez, Berteni Cataluña Causing at Atty. Ernesto Francisco Jr. kontra sa bagong ‘voting threshold’ ng Senate impeachment court.
Kapwa nila kinuwestyon ang naging interpretasyon ng Senado sa kinakailangan ‘two-thirds vote’ para magkaroon ng ‘conviction’ sa isang ‘impeachment case’.
Iginiit sa petisyon ni Rodriguez na inamyendahan ng Impeachment Court ang Constitution sa pamamagitan ng pagdaragdag ng isang qualification na hindi nakasulat kaya hiling niya na ipawalang-bisa ng SC at ideklara na maaari lang ito sa constitutional process.
Sinabi naman ni Causing na ang mga nananatiling senador ay dapat na ibilang, kahit nagtatago, nakapiit o mediclly unable to attend.
Hiling niya na maglabas ng temporary restraining order (TRO) o status quo ante order (SQAO) ang SC laban sa pagpapatupad ng ruling o ang pinal na botohan habang nakabinbin ang petisyon.
Ayon naman kay Francisco, dapat na 16 ang sa 24 senador ang voting threshold.
Ayon sa Korte Suprema, ibinasura ang mga petisyon sa mga procedural grounds dahil sa kawalan ng "legal standing" (karapatan o sapat na batayan sa batas para maghain) at sa pagiging "premature" (wala pa sa tamang panahon) ng mga ito.
Sa pagkakabasura ng mga petisyong ito, mananatili muna at pwedeng ipagpatuloy ng Senate Impeachment Court ang kanilang pasya at proseso habang nagpapatuloy ang paglilitis.
- Latest
















