^

Bansa

Posibleng ka-tandem ni Sara sa 2028 pinangalanan ni Robin

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasabay ang anunsiyo na hindi na siya tatakbo sa susunod na eleksiyon, pinangalanan ni Sen. Robin Padilla ang mga posibleng maka-tandem ni Vice President Sara Duterte sakaling tumakbo itong presidente ng bansa.

Unang binanggit ni Padilla si Senate Minority Leader Alan Pater Ca­yetano, Senators Imee Marcos, Bong Go, ang nagtatagong si Sen.  Ro­nald “Bato” dela Rosa, at ang nakakulong na si Sen. Rodante Marcoleta.

Isinama rin ni Padilla sa posibleng maka-tandem ni Duterte si Atty. Salvador Panelo.

Iginiit muli ni Padilla na wala siyang balak tumakbo sa susunod na halalan sa 2028 dahil  hindi siya nababagay sa mundo ng politika.

“Wala na po akong planong tumakbo sa politika. Maliliit pa ang ­aking mga anak, at isang tahimik na buhay-Islami ang aking pinapangarap at minimithi,” pahayag ni Padilla sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, Setyembre 18.

Pinasalamatan din ng senador ang kanyang mga kaibigan at mga tagasuporta na nagtulak sa kanyang pananatili sa politika.

“Pero halata naman po na hindi ako nababagay sa mundong ito. Revolutionaries do not sit on thrones; they tear them down,” ani Padilla.

PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with