^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bilang ng mga senador sa conviction ni Sara

Pilipino Star Ngayon

NOONG Miyerkules (Setyembre 16), narinig­ ng Senate impeachment court ang mga pananaw ng apat na retiradong mahistrado ng Supreme Court na nagsisilbing amici curiae o “friends of the court”.

Hiningi ang kanilang legal na opinyon sa isang tanong na maaaring maging mahalaga sa magiging resulta ng impeachment trial ni Vice Pre­sident Sara Duterte: ilang boto ba talaga ang kailangan para sa conviction?

Sa ngayon, 16 ang itinakdang threshold ni presiding officer Francis Escudero. Nakasaad sa Konstitusyon na kailangan ang pagsang-ayon ng two-thirds ng “all the Members of the Senate.”

Dahil 24 ang miyembro ng Senado, two-thirds nito ay 16.

Pero ipinakita ng pagdinig na hindi ganoon kasimple ang usapin.

Sina retired Chief Justices Artemio Panga­­niban, Hilario Davide Jr. at Reynato Puno ay naglatag ng magkakaibang dahilan kung bakit maaaring hindi palaging fixed sa 16 ang bilang.

Ang tanong nila: dapat bang isama sa bilang ang mga senador na hindi nakadalo o hindi nakilahok sa paglilitis? Sa kasalukuyan, dala­wang senador ang nakakulong samantalang ang isa pa ay nagtatago.

Para kay Panganiban, mahalagang ang se­na­tor-judge ay nasa posisyong malaman ang kato­tohanan at makapagbigay ng patas na hatol.

Kung hindi, aniya, hindi ito dapat basta lumahok sa pagboto.

Kabaliktaran naman ang posisyon ni retired Justice Adolfo Azcuna.

Para sa kanya, habang nananatiling miyembro­ ng Senado ang isang senador, kasama siya sa denominator.

Nagbabala rin siyang maaaring magkaroon ng constitutional problem kung ibabatay ang conviction sa mas mababang bilang.

Kaya kailangang linawin ng Senado ang pata­karan bago dumating ang final vote.

Hindi dapat piliin ang 16, 15 o anumang bilang­ dahil mas pabor ito sa prosecution o defense.

Ang tamang threshold ay dapat nakabatay sa Konstitusyon at sa malinaw na tuntuning pareho ang aplikasyon kanino man ito makabuti.

Itinakda sa Setyembre 23 ang argumento ng magkabilang panig bago resolbahin ng senator-judges ang isyu.

Sa impeachment, hindi lang ang hatol ang dapat kapani-paniwala. Dapat kapani-paniwala rin ang prosesong ginamit para makarating sa hatol na ito.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with