^

Punto Mo

Babaing nangungupahan nang mahigit 20 taon, minana ang bahay mula sa Landlord!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI makapaniwala ang isang babae sa Australia matapos ibigay sa kanya ng kanyang landlord ang bahay na inuupahan niya sa loob ng mahigit dalawang dekada.

Mahigit 23 taon nang nakatira si Jane Sayner sa isang two-bedroom unit sa St. Albans, Melbourne. Noong una niya itong nakita, nagustuhan niya agad ang bahay dahil bukod sa sapat ang espasyo, mayroon din itong ma­liit na garden.

Sa loob nang ma­raming taon, regular lamang na nangungu­pahan si Sayner at hindi niya inakalang darating ang araw na magiging kanya mismo ang property.

Nagbago ang lahat nang makatanggap siya ng tawag mula sa landlord niyang si John Perrett. Kuwento ni Sayner, ipinakausap ni Perrett ang abogado nito sa kanya at ibigay ang kanyang buong pangalan dahil ipamamana sa kanya ang inuupahang unit.

“I’m leaving you the unit,” ang direktang sinabi umano ni Perrett sa kanya.

Noong panahong iyon, nasa nursing home na si Perrett habang nakikipaglaban sa Parkinson’s disease. Si Perrett ay dating pharmacist, football player, pro­perty investor at kilalang philanthropist. Sa buong buhay niya, nakapag-ipon siya ng milyun-milyong halaga ng pera at properties ngunit malaking bahagi nito ay pinili niyang ipamigay.

Bukod sa bahay na iniwan niya kay Sayner, nag-donate rin si Perrett ng $19.6 million sa nephro­logy department ng Royal Melbourne Hospital. Malapit sa puso ni Perrett ang ospital dahil doon siya sumailalim sa kidney transplant mahigit 30 taon bago pumanaw. Ayon sa mga doktor, nanatiling maayos ang kanyang transplanted kidney hanggang sa kanyang kamatayan. Pumanaw si Perrett sa edad na 86.

Samantala, retired na ngayon ang 74-anyos­ na si Sayner at masayang namumuhay sa bahay­ na minsan niyang inuupahan lamang. Ayon sa kanya, hanggang ngayon, hirap pa rin siyang paniwalaan ang nangyari.

Araw-araw umano niyang naaalala ang kabu­tihan ni Perrett at tahimik na nagpapasalamat dito.

PROPERTIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with