Castro: Sen. Imee nais malusot si VP Duterte sa impeachment

MANILA, Philippines — Pinuna ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro si Senator-Judge Imee Marcos dahil sa paraan ng pagtatanong nito sa mga testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Castro na bagama’t karapatan ng senador na magtanong bilang hukom, malinaw umano na ang direksyon ng mga tanong ay para mailusot ang Bise Presidente sa mga akusasyon kaugnay ng paggasta sa confidential funds.
Ayon kay Castro, ipinapakita ng mga tanong ni Marcos na hindi nahawakan ni Duterte ang pera at hindi siya direktang kasama sa paggawa ng mga dokumento.
Subalit iginiit ni Castro na dapat tandaan ang mismong pahayag ng testigo na ang nag-utos na ibigay ang confidential funds na buong P125 milyon ay si Vice President Sara Duterte mismo sa kanyang security officer na si Col. Raymund Dante Lachica.
“So, ang ibig sabihin nito, ang may command, ang may control ay walang iba kundi si VP Sara. So hindi na kailangan makita ng SDO, personally kung nahawakan physically iyong pera,” ayon pa kay Castro.
- Latest



















