^

Bansa

Gatchalian: Walang CIFs sa non-enforcement agencies sa 2027 budget

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Gatchalian: Walang CIFs sa non-enforcement agencies sa 2027 budget
Senate­ President Sherwin Gatchalian.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Senate­ President Sherwin Gatchalian nitong Linggo, Agosto 16, na mahigpit na ipatutupad ng Senado ang polisiya laban sa pagbibigay ng confidential at intelligence funds (CIFs) sa mga non-enforcement government agencies sa panukalang P7.2 trilyong national budget para sa 2027.

Ayon kay Gatchalian, tanging mga enforcement agencies, gaya ng AFP, NICA, PDEA, at NBI, ang dapat mabigyan ng CIFs. Pinapayagan din ang Office of the President dahil hawak nito ang parehong civilian at enforcement authority.

Binanggit niya ang Presidential Anti-Orga­nized Crime Commission (PAOCC) na nagbuwag sa operasyon ng mga POGO, at ang pre­sidential anti-corruption arm na nangangalap ng impormasyon laban sa katiwalian, bilang mga halimbawa ng special units na nangangaila­ngan ng CIFs.

“Ang Pangulo ang Commander-in-Chief ng Armed Forces kaya kailangan niya ng access sa intelligence at confidential funds,” dagdag pa ni Gatchalian.

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan ng Senate Impeachment Court ang alegasyon ng maling paggamit ng CIFs ni Vice President Sara Duterte para sa OVP at DepEd. Nagpatotoo ang mga opisyal ng COA hinggil sa “unusual” na mga pangalan ng recipients ng confidential funds, at isinasaalang-alang ang pagsasagawa ng fraud audit sa paggamit ng pondo.

SHERWIN GATCHALIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with