^

Bansa

Presidente, VP bawal sa negosyo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Presidente, VP bawal sa negosyo
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and Vice President Sara Duterte on Jan. 25, 2024.
The Philippine STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Mahigpit na ipinagbabawal ng 1987 Constitution sa Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa ang direkta o hindi direktang pakikilahok sa negosyo habang nakaupo sa puwesto.

Ito ang binigyang-diin ni dating Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, na iprinisinta ng prosekusyon sa Senate impeachment court bilang legal na pamantayan sa pagbusisi ng kasong unexplained wealth laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa direct examination ni House impeachment prosecutor Akbayan Rep. Chel Diokno, tinanong kung maaaring mangasiwa o magpartisipa sa ­negosyo ang Pangulo at Bise Presidente habang nasa puwesto.

Tinukoy ni Cabotaje-Tang ang Section 13, Article VII ng Konstitusyon na nagbabawal sa Pangulo, Vice President, mga miyembro ng gabinete, at mga deputies o assistants na direkta o hindi direktang makilahok sa negosyo; magpraktis ng ibang propesyon; magkaroon ng pinansyal na interes sa kontrata ng gobyerno, at humawak ng franchise o espesyal na pribilehiyo.

Ipinaliwanag ni Cabotaje-Tang na ang “indirect participation” ay nanga­ngahulugang ibang tao ang guma­gawa ng negosyo sa pangalan ng opisyal, ngunit sila pa rin ang tunay na nakikinabang bilang beneficial owner.

Binigyang-diin pa niya na mas mahigpit ang restriksiyon sa Pangulo at Bise Presidente dahil sa lawak ng kapangyarihan ng kanilang mga posisyon.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with