^

Bansa

91 araw sa abroad ni VP Sara kakalkalin sa ‘unexplained wealth’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
91 araw sa abroad ni VP Sara kakalkalin sa ‘unexplained wealth’
Vice President Sara Duterte visits quake victims in Davao Occidental, as seen in photos posted June 26, 2026.
Duterte office

MANILA, Philippines — Posibleng mapasama na sa imbestigasyon ng prosekusyon ang 91 araw na paglalakbay ni Vice President Sara Duterte sa ibang bansa sa nakalipas na dalawang taon.

Ayon kay Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, isa sa mga House prosecutor, “on the table” na ngayon ang pagsusuri sa mga hindi opisyal na foreign trips ng Pangalawang Pangulo bilang bahagi ng kaso tungkol sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman.

Sinabi ni Ridon na umabot sa ganitong hakbang ang prosekusyon matapos talakayin ni retired Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang ang mga legal na pamantayan sa pagsusuri ng yaman ng isang pampublikong opisyal.

Ayon kay Ridon, tinatayang 19 na hindi opisyal na biyahe ang isinagawa ni Duterte, na umabot sa kabuuang 91 araw sa labas ng bansa sa loob ng dalawang taon. Pero nilinaw ng prosekusyon na hindi ang dami ng biyahe lamang ang kanilang tinitingnan. Ang pangunahing tanong umano ay kung kaya bang ipaliwanag at itugma ang naging gastos sa mga biyaheng ito sa lehitimong kita at idineklarang ari-arian ni Duterte.

Tinukoy ni Ridon na nasa P4.2 milyon kada taon ang tinatayang suweldo ng Pangalawang Pangulo.

Nauna nang nabanggit ang pagtatayang maaa­ring umabot sa P5 milyon hanggang P8 milyon ang gastos para sa naturang mga paglalakbay, bagama’t kailangan pa ring matukoy at mapatunayan ang eksaktong halaga at kung paano binayaran ang mga ito. Mahalaga rin umano ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Duterte sa pagsusuri.

Ngayon, kailangang tukuyin ng prosecution team kung anu-anong travel records, resibo at iba pang dokumentong pinansyal ang maaaring iharap upang matukoy kung may sapat na paliwanag sa mga gastusin.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with