^

PSN Opinyon

Panganib ng Dila: Babala o Krimen Ba?

Pabida - June G. Trinidad - Pilipino Star Ngayon

May malaking kapangyarihan ang dila ng isang pinuno na ang bawat salita ay maaaring magsilbing babala o magbunga ng panganib at krimen,tulad ng mga ­kontrobersyal na pahayag ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa kanyang mga banta.

Ito ay pinagtatalunan kung ang kanyang mga banta ay simpleng emosyonal na babala o isang pormal na paglabag sa batas na pasok sa kasong grave threats.

Ang mga opisyal ng pamahalaan ay may mataas na responsibilidad sa publiko at ang bawat banta na binibigkas ng isang lider ay may dalang takot o impluwensiya sa lipunan.

Hindi ito basta-bastang biro dahil may kakayahan itong mang-istorbo ng kapayapaan. Kaya ang tanong ito ba ay pagpapahayag lamang ng galit o babala sa mga kalaban sa pulitika? Sinabi naman ng mambabatas at ng mga taga-usig na kalaban ni Duterte na ang tahasang pagbabanta sa buhay ay maaaring ituring na krimen.

Ang kaso ay nag-ugat sa kanyang pahayag noong Nobyembre kung saan nagbanta siya laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Unang Ginang Liza Araneta-Marcos at dating Speaker Martin Romualdez.

Ayon sa DOJ, may sapat na ebidensya o probable cause upang dalhin sa korte ang isyu at saklaw ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act ang ginawang pahayag online ng Bise Presidente.

Giit naman ng kampo ni VP Sara,ang kalayaan sa pagpapahayag,habang iginigiit naman ng estado ang hangganan ng galit at banta.

Ang kasong ito ay isang paalala na ang bawat salita ay may kaakibat na timbang at parusa.

Ang paglilitis sa korte ang magpapasya kung ang galit sa isang talumpati ay lumampas na sa guhit ng batas.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with