^

PSN Palaro

Alas Girls ‘di kinaya Japan

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Alas Girls ‘di kinaya Japan
Wala nang tsansa ang mga batang Nationals sa asam na ninth place finish kaya naman sa mas mababang classification sila lalaro at muli nilang makakalaban ang Venezuela.
FIVB

MANILA, Philippines — Hindi kinaya ng Alas Pilipinas Girls ang lakas ng Japan matapos yumuko sa tatlong sets, 23-25, 19-25, 16-25 sa classification round ng FIVB Girls’ U17 World Championship na nilaro sa Parque Estadio Nacional sa Santiago, Chile kahapon.

Wala nang tsansa ang mga batang Nationals sa asam na ninth place finish kaya naman sa mas mababang classification sila lalaro at muli nilang makakalaban ang Venezuela.

“Focus is on rest and recovery, we put the loss behind us and it’s on to the next match,” sabi ni team manager Karl Chan na siyang nagtimon, dahil masakit ang tiyan ni head coach Edwin Leyva.

Nakalaro ng Alas Girls ang Venezuela sa preli­minary round kung saan ay nanalo sa limang sets ang huli.

Tumapos sa 2-3 karta ang Alas Girls sa Pool B at pinuwestuhan nila ang No. 4 spot kaya nakapasok sila sa Round of 16 at nakapagtala ng history para sa Philippine volleyball.

Suportado ng PSC, Philippine Olympic Committee, at Asics, makakalaban ng Alas Girls ang Venezuela ngayong araw.

Natuldukan ang asam nilang magpatuloy sa pag usad hanggang sa dulo nang yumuko sila sa tiga­sing South Korea.

Pasimuno si Caera Celis sa opensa para sa Alas Girls sa nilistang 16 points mula sa 12 kills, tatlong blocks at isang service ace matapos ang isang oras at 13 minutong bakbakan.

Si Miko Takahashi naman ang sinandalan ng Japan sa opensa, nagtala ito ng team-high na 15 points kasama ang 11 spikes at apat na service aces.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with