^

Probinsiya

18-anyos nakuryente habang nagsasampay, tepok

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
18-anyos nakuryente habang nagsasampay, tepok
Ang biktima bagaman nagawa pang maisugod sa Pahilan Doctors Hospital ay idineklara na itong dead on arrival.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 18-anyos na lalaki makaraang makuryente habang nagsasampay ng damit sa tabi ng kanilang tahanan sa Brgy. Poblacion Sur, Don Carlos, Bukidnon nitong Biyernes ng hapon.

Ang biktima bagaman nagawa pang maisugod sa Pahilan Doctors Hospital ay idineklara na itong dead on arrival.

Sa report ng Bukidnon Police, dakong alas-3:10 ng hapon, kasalukuyang nagsasampay ang biktima ng mga nilabhan nitong damit sa cable wire na ginawa nitong sampayan nang bigla na lamang itong magkikisay.

Nabatid na dumaloy ang malakas na boltahe ng kuryente sa katawan ng biktima na siyang kumitil sa buhay nito.

Inireport naman ang insidente sa pulisya ng isang senior lineman ng First Bukidnon Electric Cooperative (FIBECO).

Nagsagawa ng pag-iinspeksiyon ang mga tauhan ng FIBECO at dito’y nabatid na isang live wire na nabalatan ang nadikit sa bubungan ng tahanan ng biktima na konektado sa ginawa nitong cable wire na sampayan.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with