^

Bansa

Prosec sa depensa: Kung alias bakit may pirma si ‘Mary Grace Piattos’?

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinamon ng prosecution panel ng Kamara ang kampo ni Vice President Sara Duterte na magpaliwanag hinggil sa mga misteryosong pangalan na nakalista bilang recipients ng P612.5 ­milyong confidential funds, kabilang ang Mary Grace ­Piattos, na umano’y alias ngunit may pirma sa ­acknowledgement receipts.

Ayon kay Atty. Amando Virgil Ligutan, private counsel ng prosecution panel, hindi maipaliwa­nag kung bakit may pirma ang mga resibo kung alias lamang ang mga pangalan.

“Kung alias po ’yung pangalan, eh ba’t may ­pirma? Ano ibig sabihin nun? ‘Yung pirma ba, alias din?” giit ni Ligutan, na binigyang-diin na dapat totoong pangalan ang nakasulat sa mga dokumentong isinusumite sa Commission on Audit (COA).

Nakasaad sa mga acknowledgement receipts na isinumite ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) ang mga pangalan nina Mary Grace Piattos, Renan Piattos, Nova Santos, ­Janice Marie Revilla, ­Patty Ting, Andy Lim, Alejandro Pikit, Feona Beong, Sisfonio Balsac, Gabriel Bisaya, at iba pa. Ang mga ito ay ginamit sa pag-liquidate ng confidential funds ng OVP noong 2022 at 2023.

Ang naturang mga pangalan ay una nang lumutang sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accounta­bility noong 2024 kaugnay ng confidential funds ni VP Sara.

Binanggit ng prose-kusyon ang mga sertipikasyon ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpapakitang ang ilan sa mga nakalistang tu­manggap ay walang katugmang rekord ng kapanganakan. Inilahad din nila ang resulta ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagsasabing maraming acknowledgement receipt ang may mga lagdang isinulat ng iisang tao.

Ayon kay Ligutan, wala pa ring pahayag ang kampo ng Bise ­Presidente kung ang mga ­pangalang ito ay tunay na tao o mga alias lamang.

Dagdag pa niya, ang mga acknowledgement receipt na ginagamit sa l­iquidation ng pam­publikong pondo ay inaasahang maglalaman ng tunay na pagkakakilanlan ng mga tumanggap.

Samantala, sinabi ni Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr., legal spokesperson ng prosecution panel, na hanggang ngayon ay wala pang malinaw na posisyon ang depensa hinggil sa isyu.

“Wala kahit sa ­answer nila sa Articles of Impeachment, hindi rin nila sinagot ’yung issue na ’yan. So sa ngayon, kung wala silang ganong statement, ang presumption natin ay totoong tao ’yan,” ani Tolosa.

MARY GRACE ­PIATTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with