VP Sara, dinalaw sina Estrada at Marcoleta sa Quezon City Jail
MANILA, Philippines — Dinalaw ni Vice President Sara Duterte sina Senator Jinggoy Estrada, Rodante Marcoleta, at dating congressman Michael Defensor sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa New Quezon City Jail Male Dormitory noong Martes, Agosto 4 kung saan kapwa nakapiit sa magkahiwalay na kasong plunder.
Kinumpirma ito kahapon ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera na nagtungo ang Bise Presidente alas-12:00 ng tanghali at alas-3:20 ng hapon nang linisan ang piitan.
“During her visit, she met with Senator Rodante Dizon Marcoleta, Senator Jose Pimentel Ejercito Jr., known as Jinggoy E. Estrada, and former Congressman Michael Tan Defensor,” ani Bustinera.
Hindi pa naglalabas ng karagdagang detalye ang kampo ni Duterte kaugnay ng layunin ng kanyang pagbisita sa mga nakakulong na opisyal.
Matatandaang si Estrada ay kasalukuyang nahaharap sa kasong plunder na may kaugnayan sa umano’y P537 million flood control scam at nananatiling nakakulong habang dinidinig ang kanyang kaso.
Sina Defensor at Marcoleta ay nakapiit din kaugnay sa kasong plunder na may kinalaman sa P75 milyong campaign donation noong 2025.
- Latest
















