^

Bansa

‘Maymay’ lumakas, Luzon target

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
‘Maymay’ lumakas, Luzon target
Alas-2 ng hapon kahapon, Agosto 5, namataan ng Pagasa ang sentro ng bagyo sa layong 160 kilometro sa timog-kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.
PAGASA

MANILA, Philippines — Bahagyang lumakas ang bagyong Maymay habang patuloy itong kumikilos sa kanluran ng Ilocos Sur.

Alas-2 ng hapon kahapon, Agosto 5, namataan ng Pagasa ang sentro ng bagyo sa layong 160 kilometro sa timog-kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.

Si Maymay ay kumikilos pahilagang-silangan, taglay ang lakas ng ­hangin na umaabot sa 75 kph at pagbugso na 90 kph.

Inaasahang magla-landfall si Maymay sa Ilocos Sur o La Union ngayong Miyerkoles ng gabi o Huwebes ng ­umaga. Tatawid ang bagyo sa Northern at Central Luzon.

Mananatili itong isang tropical storm habang papalapit sa Philippine landmass. Subalit oras na mag-landfall, hihina ito bilang tropical depression at posibleng maging low pressure area pagsapit ng hapon o gabi ng Huwebes.

Dahil sa hatak ng Habagat, makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila.

PAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with