^

Bansa

NBI: ‘Honeytrap’ may mas malawak na plano vs Marcos admin

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
NBI: ‘Honeytrap’ may mas malawak na plano vs Marcos admin
National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag speaks during a press briefing at the NBI headquarters on May 4, 2026.
The Philippine STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang posibleng mas malawak na plano upang siraan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng kontrobersiyang tinaguriang “honeytrap”.

Ipinahayag ito ni NBI Director Melvin Matibag sa isang forum sa Dapo Restaurant, Quezon City nitong Sabado, na dinaluhan ng ilang kongresista, abogado, at iba pang personalidad.

Batay sa affidavit ng alyas Ken, talent manager ng apat na babaeng nasagip ng NBI sa anti-human trafficking operations, target umano ng kampanya ng character assassination si Executive Secretary Ralph Recto.

Ayon kay Matibag, lumalabas na sangkot umano dito sina Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste at dating Negros Oriental Rep. Jacinto “Jing” Paras, kung saan si Leviste ang itinuturong financier umano ng grupo.

Dagdag pa ni Matibag, lokal na pulitika ang nasa likod ng tinaguriang demolition job laban kay Recto. Sa mga pulong ni alyas Ken kay Paras, lumutang din ang isyu ng umano’y korapsyon sa pondo ng bayan. Ang apat na babaeng nasagip ay pinaplano umanong mag-imbento ng kuwento upang siraan si Recto, at dalawa sa kanilang mga abogado ay senior partners ng isang prominenteng law firm sa Ortigas Avenue, Pasig City.

“So it could be a combination of that. Kasi, hindi naman natin maikakaila na ang ating Executive Secretary is the ‘Little President’. So anything that will create a black eye or stigma on the Executive Secretary will also somehow affect the entire administration,” ani Matibag.

Giit pa niya, nakikita ng NBI ang mas malaking scenario dahil sa pagkakasangkot ng mga personalidad na umano’y kontra-administrasyon.

“The presence also of the players on the other side, Congressman Leviste, Congressman Paras, at saka yung law office na ginagamit, eh makikita natin na there could be a bigger plot, but whatever it is illegal yung ginawa nila na kailangang panagutin nila,” giit nito.

May sapat na ebidensiya raw ang ahensya upang kasuhan sina Leviste, Paras, at apat na abogado mula sa naturang law firm.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with