Buong PNP, nakatutok sa extension ni Marantan!
Retain o retire! Nakatutok sa ngayon ang 228,000-strong rank-and-file ng PNP dito sa request ni Interior Secretary Jonvic Remulla na one-year extension para kay PRO4-A director Brig. Gen. Hansel Marantan. Samu’t-saring komento naman ang natanggap ng Dipuga tungkol sa extension ni Marantan.
Si Marantan ay miyembro ng PNPA Class ’98 at marami pang senior sa kanya tulad ng Class ’92, ’93, ’94, ’95, ’96 at ’97 ang nilaktawan n’ya. Kaya kapag na-extend si Maranta, hindi lang ang anim na klase ang ma-demoralize, kundi malaking bahagi ng PNPA graduates,. At higit sa lahat, ay yaong mga kandidato na papalit sa kanya. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Hindi lang ‘yan! Kapag na-retain si Marantan, madi-delay nito ang promotion at career advancement ng equally qualified PNP officials, kaya’t malaking dagok ito sa succession process ng kapulisan. Tumpak! Mamayani rin ang favoritism, kung saan ma-disrupt nito ang organizational planning at leadership development ng PNP officials dahil walang kasiguruhan na ang kasunod na dapat ma-promote ay makakaupo pa. Dipugaaaaa!
Nanawagan ang PNPA graduates kay President Bongbong Marcos na tuldukan na itong kahibangan ni Remulla. Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!
May pangamba pa ang mga PNPA graduates na kapag na-extend si Marantan, paano na lang kung maaprubahan ang batas na itaas ang retirement age ng mga pulis mula 56 hanggang 57? Sal-it! Parang one-year extension din ito kay Marantan at sa 2027 pa s’ya magreretiro? Puede pa n’yang palitan si PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. na magreretiro na sa Marso 2027. Si Boss Jonvic lang ang may kasagutan sa mga katanungan na ito. Mismooooo!
Kung sabagay, kapag na-extend si Marantan, matagal pa bago maramdaman ang epekto nito sa PNP. Tumpak! At hindi nalalayo na marami pa ang susunod sa diskarte n’ya. Ganun nga nga!
May win-win solution naman si kosang Jojo Savares sa sigalot na ito at iyon ay dapat magtayo si Boss Jonvic ng special projects division at dun i-assign si Marantan para magtrabaho? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Abangan!
- Latest



















