^

PSN Opinyon

Depensa, aminadong nagbanta si Sara

BARDAGULAN - Ronald M. LLamas - Pilipino Star Ngayon

Sa ikalawang linggo ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, may ilang bagay nang malinaw.

Sa article of impeachment kaugnay ng betrayal of public trust dahil sa umano’y assassination threat ng bise presidente, nailatag na ang isang mahalagang katotohanan: nagbanta ng pagpatay si Sara laban sa Pangulo, sa Unang Ginang, at sa dating House Speaker.

Hindi na ito debatable.

Makailang ulit itong pinagtibay ng mga testigo mula sa National Bureau of Investigation (NBI), na nagsabing may credible at absolute threat mula sa bise presidente.

Maging ang kampo ni Sara ay hindi ito itinatanggi. Ang depensa nila, “conditional” lamang ang banta. Ngunit conditional man o hindi, maliwanag, may bantang ginawa. At ang grave threat ay isang krimen.

Ngayon, ang tanong, ang grave threat ba ni Sara ay isang betrayal of public trust at isang impeachable offense? Oo!

Una, hindi ito karaniwang banta. Hindi ito alitan ng mag­kapitbahay dahil sa sinampay. Ito ay bantang ginawa laban sa Pangulo ng Republika ng pangalawang pinakamataas at isa sa pinakamakapangyarihang opisyal ng bansa. Dahil sa posisyon, impluwensiya, at kapangyarihan ni Sara, hindi ma­aaring basta ipagkibit-balikat ang pahayag.

Pangalawa, ang banta ay nagmula sa isang miyembro ng isang political clan na may mahabang kasaysayan ng karahasan. Nariyan ang mga pampublikong pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagresulta sa libu-libong pagpatay sa ilalim ng madugong drug war, ang kasong kinasangkutan ni Davao City Congressman Paolo “Pulong” Duterte kaugnay ng umano’y pananakit sa isang “bugaw,” at ang pananapak ni Sara sa isang court sheriff noong siya ay alkalde ng Davao City. Sa ganitong konteksto, lalong nagiging seryoso ang bantang binitawan.

Pangatlo, si Sara mismo ang agarang makikinabang kung naisasakatuparan ang banta. Kung mapatay ang isang duly elected President, ang papalit ay ang Vice President. Malinaw na pumapasok ito sa usapin ng betrayal of public trust dahil nilalabag nito ang mandato ng taumbayan.

Mahaba pa ang tatahakin ng impeachment trial. Marami pang testigo at ebidensiya ang ihaharap. Ngunit sa usapin ng assassination threat, malinaw na may bantang ginawa. Malinaw din na ang naturang banta ay credible at isang krimen. At malinaw, dahil ito ay isang banta mula sa bise presidente laban sa pangulo ng bansa, ito ay betrayal of public trust at isang impeachable offense.

IMPEACHMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with